top of page
Search

Kinasuhan ng misis na si Jelai… KING BADGER, SUMUKO NA SA PAKIKIAPID, KABIT, LAGOT DIN

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 10, 2022




Sumuko sa QC Regional Trial Court ang vlogger na si Jon Gutierrez alyas King Badger nitong nakaraang linggo kaugnay ng kaliwa't kanang kasong Concubinage at Violence Against Women (And Children) na inihain laban sa kanya ng aktres at nakahiwalay na asawa na si Jelai Andres. Agad sumuko si King Badger at nagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Matatandaang idinemanda ni Jelai si King Badger noong nakaraang taon dahil sa pakikiapid nito kay Juliennes Vitug a.k.a. Yumi Garcia, na noon ay isang menor-de-edad. Sa kasalukuyan ay nasa hustong edad na si Yumi upang panagutan ang kanyang pagkakasala at mapatawan ng kaukulang kaparusahan na ayon sa batas.


Ang sabi ni Jelai noong nakaraang taon sa kanyang interbyu nu'ng panahong inihain niya ang kasong Concubinage laban sa dalawa, "Ang kasal ay isang sakramento, ‘wag nating gawing normal ang pakikiapid. Nawa’y maging isang leksiyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangang makipagrelasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa.”


Ayon sa abogado ni Jelai na si Attorney Faye Singson, “Nararapat lamang na makamit ni Jelai ang hustisya’t katarungan, sapagkat hindi naging madali ang pinagdaanan niya. Tunay ngang siya ay nahirapan, at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng pagtataksil ni King Badger at ni Yumi.”

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page