ni Beth Gelena @Bulgary| July 26, 2024
Nagbigay na ng order ang Court of Appeals (CA) sa Belo Medical Group na bayaran na ang kanilang former employee ng P3 million para sa back wages over her constructive dismissal.
Sa 35-page decision, um-agree ang CA’s Special Fourth Division sa findings ng NLRC (National Labor Relations Commission) that Marie Angelie Macatual’s “unbearable condition and hostile environment left her with no choice but to resign.”
Tanging ang BMG president na si Victoria Belo at si Agnes Lopez, chief executive officer and general manager, ang liable sa employee’s dismissal.
“It can be easily discerned that the series of unfair and hostile acts and charges of the petitioners have made the employment conditions of Macatual uncongenial and intolerable,” the CA said in a decision written by Associate Justice Eduardo Ramos, Jr..
“The conclusion is all too clear that petitioners fostered a working environment that was hostile and inequitable that compelled Macatual to give up her employment, especially in light of the lumped-up charges against her which were either too trivial or already settled,” dagdag pa nito.
Nag-file ng constructive dismissal si Macatual dahil sa forced resignation, non-payment of salary, service incentive leave pay, 13th month pay, separation pay, moral and exemplary damages, at attorney’s fees.
Alegasyon pa ng complainant, ginawa siyang “guinea pig” or "experiment" ng Belo Medical Group sa bago nitong machine. May mga conflicting instructions din daw na ibinigay sa kanya at sa kanyang staff si Dra. Vicki, habang inagawan daw siya ng posisyon ng husband ng celebrity doctor na si Hayden Kho bilang Marketing Management Head.
Nu'ng June 6, 2019, inisyuhan si Macatual ng babala charging her with fraudulent acts, willful breach of trust and confidence, disclosure of confidential information, conflict of interest, abuse of authority, and negligence/inefficiency.
Pero naniniwala si Macatual na inakusahan lang siya ng kung anu-ano ng MBG para magkaroon ng dahilan para tanggalin siya.
Nagbitiw siya sa kanyang puwesto pagkaraan ng siyam na araw, o noong Hunyo 17, 2019, at nagsampa ng constructive dismissal complaint laban sa mga petitioners makalipas ang isang buwan.
Kay Ondoy noon, kay Carina ngayon…
GERALD, LUMUSONG SA BAHA PARA MAILIGTAS ANG MGA STRANDED
TRENDING ang ginawang pagtulong ng aktor na si Gerald Anderson sa mga pamilyang na-stranded sa baha nitong Miyerkules.
Walang alinlangan na lumusong sa hanggang dibdib na baha ang aktor para lang makapagligtas ng mga pamilya sa abot ng kanyang makakaya.
Nakunan ng video ang aktor nang buong-tapang itong lumusong sa malalim na baha.
Ang video ay ishinare ng TmaeOsanomae sa X account.
Si Gerald ay isang Philippine Army reservist at pinuri siya ng mga netizens dahil dito.
Komento nga ng mga netizens: "Thanks Gerald Anderson! A true Filipino!! Helping during typhoon!!"
"Risking his life!!! Whatever you say, whatever your biases are, the man has a good heart."
"May your tribe increase. Be safe Gerald!"
Matatandaan na hindi ito ang unang beses na ginawa ng aktor na ibuwis ang kanyang buhay para makatulong. Ginawa na rin niya ito noong Bagyong Ondoy.
GUSTUHIN mang i-comfort ni Aiko Melendez ang anak na si Andre dahil inanod ng baha ang sasakyan nito ay hindi nagpatinag ang aktres-pulitiko. Una pa rin niyang inisip ang kalagayan ng kanyang mga constituents at tumulong sa mga tao.
Sa Facebook ng aktres, ikinuwento niyang tinangka nilang habulin ang inaanod na sasakyan ni Andre, pero hindi na nila ito naabutan dahil sa lakas ng ulan at mabilis itong inanod.
Nagpapasalamat siya at wala naman daw nasaktan sa kanila.
Pagbabahagi pa niya, "Kalahati sa aking team, na-trap po sa kanilang mga bahay, ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong. Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po.
"'Yan ang mga bagay na ipinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant. Gusto mang akapin ang anak sa lungkot niya sa kanyang sinapit, meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito. Nakahanda na po ang aking team, hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito."
留言