ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 23, 2025
Pinatawa na naman ni Rufa Mae Quinto ang mga nakabasa sa post niya sa Instagram patungkol sa reunion nila ng mga kaibigan na naging co-hosts niya sa show ni Willie Revillame tulad nina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Shalani Soledad at Grace Lee.
Heto ang nagpatawa sa mga nakabasa sa post ni Rufa…
“Okey naman ang reunion at early birthday celebration naming magkakaibigan. Happy birthday sa aking matalik na mabuting kaibigan, @camvillar. Wala na ako ma-caption sa kanilang apat, kundi na-miss ko sila and salamat sa lahat ng pagmamahal n’yo sa ‘kin.
Salamat din sa take-out. Haha! Mahal ko sila, I believe in them like how they believe in me. In short, we believe in each other. Sabi nila, dahil sa ‘kin, bawal na raw magreklamo sa buhay nila after all na naganap sa life ko!
“Sabi ko naman, ‘Yes! There’s always brightness to contrast. So let’s trast (trust) each other! Tiwala lang, guys! I trast (trust) y’all!”
Dagdag pa nito, “Kami po ay naging close mula ng (nang) maging host (s) kami ni Willie Revillame 16 years ago, go, go!”
Pare-pareho ng komento ang mga netizens na binabasa nila ang post ni Rufa sa boses at estilo ng pagsasalita nito, kaya nag-e-enjoy silang basahin.
Bilib din sila sa pagharap nito sa mga problema na malalaki naman talaga. Bukod sa demanda sa kanyang paglabag sa Sec. 8 ng Securities Regulation Code, gusto pa siyang diborsiyohin ng kanyang asawa.
PATI si Paul Salas, sumabak sa action sa Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) at nagpakita siya ng gilas sa kanyang mga action scenes.
Sa second night ng action series, lumabas ang karakter ni Paul bilang si Martin na tinulungan si Lolong (Ruru Madrid) na makipaglaban sa masasamang tao.
Ayon kay Paul, gusto niyang mag-level-up sa action scenes na ipakikita sa second season, kaya kanilang pinaghandaan.
Dahil marami pang gagawing action scenes, tuloy ang pagpapakondisyon ng aktor sa kanyang katawan.
Sa Instagram, may reels post si Paul na nagte-training ng boxing, nakikipagsuntukan at sa end, knockout ang dalawang nakalaban niya.
Masuwerte itong si Paul dahil sunud-sunod ang projects. Katatapos lang ng Shining Inheritance (SI), nasa Lolong naman siya. May ginagawa pa silang pelikula ng girlfriend niyang si Mikee Quintos, kaya sa career at love life naka-align ang aktor.
Pagkatapos ng contract signing ni Jennylyn Mercado sa GMA-7, ginawa ang storycon ng series na pagtatambalan nila ng asawang si Dennis Trillo, ang Sanggang Dikit (SD).
Malaki ang cast ng action-drama series at may Kapamilya actor pang kasama.
Kasama sa cast sina Nova Villa, Zoren Legaspi, Allen Dizon, Roi Vinzon, Marina Benipayo, Al Tantay, Liezel Lopez, Sam Pinto, Matthew Uy, Seb Pajarillo, at Joross
Gamboa.
Si Joross ang Kapamilya at nagbabalik naman si Sam sa mas mahabang exposure.
First series ito ng DenJen na mag-asawa na sila at may dagdag na excitement ito sa kanila. Pulis ang role ni Jen, kaya magte-training siya ng jiu-jitsu at gun handling at pati na rin siguro target shooting dahil baka kailangan ng karakter niya na magpaputok ng baril.
Hindi nabanggit ang role ni Dennis, pero sa husay nitong aktor, kahit ano’ng ibigay ay nagagampanan niya nang mahusay.
Nagpahayag ng excitement ang aktor na muling makatrabaho si Jennylyn after 10 years.
Si LA Madridejos ang director ng series at mula ito sa GMA Entertainment Group.
Samantala, bago ang TV series ng DenJen, mapapanood muna sila sa rom-com movie na Everything About My Wife (EAMW) showing sa February 26 and directed by Real Florido.
Comments