ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 7, 2023
KATANUNGAN
Ako ay isang lesbian at aaminin ko sa inyo na marami na akong nakarelasyon, pero walang nagtagal. Madalas, ‘yung ibang mga nakakarelasyon ko ay pera lang ang habol sa akin.
Sa ngayon, may bago akong karelasyon. November 30, 1998 ang birthday niya at gusto kong malaman kung siya na ba ang panghabambuhay kong makakasama?
Nagsasama na kami, wala siyang trabaho, kaya ako ang bumubuhay sa kanya, at okey lang sa akin. Gayunman, ang ikinakatakot ko ay baka maulit ang nangyari noon na iniwanan ako ng aking karelasyon. Maestro, sa palagay mo ba ay magtatagal kami? December 18, 1990 ang birthday ko.
KASAGUTAN
Huwag kang mag-alala, Melba, dahil iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung matagal na kayo o sabihin na nating umabot na sa isa o dalawang taon ang inyong pagsasama, walang duda na ang babaeng kinakasama mo ngayon ang tuluyan mo ng makakasama habambuhay.
Ito ay madali namang kinumpirma ng pareho n’yong zodiac sign na Sagittarius at nagkataong compatible ang birthdate niyang 30 o 3 (ang 30 ay 3+0=3) sa birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9). Nangyari dahil kapwa kayo under sa mga numerong nasa series of 3-6-9. Ibig sabihin, tunay ngang compatible kayong dalawa, kaya masasabi na maaaring siya na ang panghabambuhay mong makakasama.
MGA DAPAT GAWIN
Ang pinakamaganda mong magagawa ngayon, Melba, pilitin mong umabot sa isa, dalawa o tatlong taon ang inyong relasyon at pagsasama. Kapag nangyari na ‘yan, matitiyak mong siya na ang babaeng itinakda sa iyo ng tadhana na makakasama mo habambuhay.
Ngunit kung sakaling sumablay, ‘wag ka ring mag-alala at malungkot dahil sigurado namang may darating na babaeng makakasama mo habambuhay.
Ito ay kinumpirma ng mahaba at tuwid na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing, kahit dumami pa nang dumami ang mga babaeng makarelasyon mo, walang duda na sa edad mong 33, tuluyan ka nang mapapanatag sa isang babae na panghabambuhay mong makakasama, na nagtalaglay ng zodiac sign na Sagittarius tulad mo.
Comments