top of page
Search
BULGAR

Kinahuhumalingan ng online shoppers… “Budol Queen” Daniella Roi, kilalanin

ni Mabel G. Vieron @Feature Article | October 01, 2023



Sa patuloy na pag-usbong ng social media sa mundo, ang mga influencer ay isa sa humuhubog ng mga pag-uugali at kagustuhan ng mga tao. Kamakailan, pumatok sa social media si Daniella Roi o mas kilala bilang “Budol Queen” sa Filipino slang.


Gamay ni Daniella Roi ang art of online influence, na nakaakit sa kanyang mga manonood sa Instagram at TikTok sa paraan ng kanyang panghihikayat. Halina't alamin natin ang mundo ng dynamic influencer at tuklasin natin kung bakit siya ang tinaguriang reigning queen of online influence.


Si Daniella Roi ay isang Filipino social media influencer na nambubudol sa mga tao na maglabas ng pera sa kanilang mga wallet gamit ang kanyang nakakatawa at mapanghikayat na mga shopping video. Nakuha niya ang moniker na "Budol Queen" dahil sa kanyang kamangha-manghang kakayahan na kumbinsihin ang kanyang mga followers na bumili ng mga produkto, kahit na hindi nila ito kailangan.


Umani si Daniella ng magnetic presence na may mahigit 200,000+ na followers sa TikTok @daniellaroi, 100,000+ sa Instagram @daniella.roi, at 60,000+ sa Facebook. Sa pagdami ng kanyang followers, sabik nilang inaabangan ang kanyang mga bagong recommendation, review, at insight. Madalas siyang nagbabahagi ng mga video kung saan nag-aalok siya ng mga tip sa paghahanap ng mga online bargain at nagbibigay ng mga honest review ng mga produkto.


Nakilala si Roi sa kanyang pagiging matapat, relatability, at sa kanyang sense of humor.


Ang likas na talento ni Daniella Roi na makapanghikayat ay naging susi sa kanyang tagumpay. Kung mapapanuod mo ang kanyang mga video sa kanyang Instagram feed, hindi mo lang siya mapapanood bilang isang influencer na nagpo-promote ng mga products.


Bagkus, para ka na ring nakikipag-ugnayan sa isang storyteller na gumagawa ng koneksyon sa kanyang mga manunuod.


Ang isa sa mga factor na nakatulong sa tagumpay ni Roi bilang isang influencer ay ang kanyang kakayahan sa pagbuo ng personal connection sa kanyang followers. Madalas siyang nagbabahagi ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay at kanyang mga karanasan sa online shopping, ito rin ang nagiging way upang iparamdam niya sa kanyang followers na parang kilala na siya ng mga ito. Dahil dito, mas nagtiwala ang mga tao sa kanyang nirerekomendang produkto.


Aware si Daniella kung gaano kahalaga ang pagtitiwala sa mundo ng online influence.


Naglalaan siya ng oras upang makipag-ugnayan sa kanyang followers, pagbabahagi ng mga personal niyang mga karanasan at kanyang mga nalalaman sa mga produktong kanyang ini-endorse. Dahil sa kanyang pagiging matapat, nakagawa siya ng isang trust bond, at sinisigurado niya na ang tingin sa kanya ng kanyang followers ay isang kaibigan na nagbibigay ng mga rekomendasyon.


Ang impluwensya ni Roi ay sumasaklaw sa iba't ibang interes, maging ang kanyang mga cute na pusa na sina Pixie at Charlie, ay nagbigay din ng inspirasyon sa kanyang followers na mag-invest mula sa scratching posts hanggang sa interactive toys, at sa kanyang mga culinary adventures, kung saan nakumbinsi niya ang mga ito na mag-explore sa mga bagong restaurant at mga kitchen gadget.


Bukod pa rito, ginagamit ni Roi ang kanyang tech-savvy persona upang gabayan ang kanyang mga followers sa pagpili ng swak na telebisyon o cellphone. Lalo na’t kung sila ay mga first-time purchaser, upang masigurado na ito ay isang best deals. Higit pa r’yan, ipinakilala rin niya ang mga makabagong kagamitan sa pag-e-ehersisyo tulad ng mga walk pad, at pagpo-promote ng fitness habang nagtatrabaho o nanonood ng TV.


Samantala, ang hilig ni Roi sa make-up at pagmamahal niya sa travel ay ang nagbigay inspirasyon din sa kanyang followers na mag-experiment sa mga bagong produkto at beauty products, gayundin sa kanilang mga out-of-town adventures, na madalas ay may mga exclusive deals na mas pinadali sa kanyang pakikipag-collaborate sa mga travel agency.


Ang status ngayon ni Daniella Roi a.k.a “Budol Queen” ay hindi lamang tungkol sa pagbebenta ng mga produkto; dahil naglalaan din siya ng effort at oras upang mas maging exciting at enjoyable ang pagbili ng isang produkto.


Hinahaluan din niya ang kanyang mga content ng katatawanan, relatability, at dash of surprise, upang mas maging click ito sa kanyang mga followers.


Ang madalas na makikita sa kanyang mga video ay tungkol sa mga unboxing experience, first impression, at candid reaction sa mga item na kanyang nire-review.


Ang kanyang kakaibang diskarte ay nagpapanatili sa kanyang followers na tumutok at mag-abang sa kanyang next "budol" adventures. Dahil dito, siya ay naging isang trusted source pagdating sa mga bago at exciting products.


Habang patuloy na tinatahak ni Daniella Roi ang pagiging "Budol Queen" ang kanyang impluwensya ay nananatiling patok sa kanyang mga tagasubaybay. Ang epekto niya sa mundo ng online shopping at product discovery ay talagang hindi maikakaila.

Ang pinagkaiba niya sa ibang influencer ay hindi lang sa paraan ng kanyang panghihikayat, kundi pati na rin sa commitment, trust at paggawa ng isang exciting na shopping experience.

Sa mundo ng online influence, ‘di natin maiiwasan na tayo ay malinlang, kung kaya’t ang diskarte ni Daniella Roi ang nagsilbi bilang isang paalala na ang pag-impluwensya ay maaaring maging ethical at enjoyable. Ang konsepto ng "budol" ay ginawa niyang isang art form, kung saan lahat sila ay makikinabang sa mga produktong kanilang binili.

Kaya, kung naghahanap ka ng must-have products at bagong kagigiliwan, i-follow si Daniella Roi a.k.a "Budol Queen," at magsimula ng isang adventure of discovery sa mundo ng online shopping. Paalala lang, kapag sinimulan mong panoorin ang kanyang mga video, malamang sa malamang ay ‘di mo mamamalayan na nakapag-check out ka na pala ng mga products ng isa o dalawa (o sampu)!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page