top of page
Search

Kim, puwedeng-puwede nang maging GF… PAULO AT JANINE, HIWALAY NA

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 19, 2024



“Alam mo, kung magiging sila, magiging happy ako for Kim Chiu,” ang diretsong sabi ng content creator-talent manager at host na si Ogie Diaz sa closeness ng aktres at ng aktor na si Paulo Avelino.


Ibinalita ni Ogie sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload sa YouTube channel nila kahapon, Linggo, na hiwalay na talaga sina Paulo at Janine Gutierrez.


Matatandaang nabalitang naghiwalay na ang dalawa pero nagkabalikan, pero ngayon ay naghiwalay na talaga.


Bungad ni Ogie, “Nakakaloka, sana hindi totoo! Split na raw ‘yung dalawa ulit. Dahil dati, nag-on, tapos naghiwalay, nag-on ulit.”


Sumingit si Dyosa Pockoh na ito ‘yung panahong umiyak si Kim.  


“Ay, ako na naman ang maba-bash niyan, eh. Oh, eh (nag-on), ayun nag-split na naman daw (sina Paulo at Janine) ulit. ‘Yan ay sabi lang ng aking nakausap at ‘yan ay kailangan nating marinig mula mismo sa the horse’s mouth.”


Tanong agad ni Mama Loi, “Ano’ng rason?”


“Parang Bea-Dom rin na hindi natin alam kung ano ang rason, basta ‘yun lang ang nakarating sa atin,” saad ni Ogie.


Sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang tinutukoy ni Ogie na naghiwalay nang hindi malinaw ang rason at ganito rin sina Paulo at Janine.


Matatandaang maraming artistang may mga karelasyon na ang nagsabing ayaw muna nilang magdidikit kay Ogie dahil baka ang magandang relasyon nila sa kanilang partner ay mauwi rin sa breakup.


Kaya nga tinagurian si Ogie na “Patron ng mga Hiwalayan” dahil sa sunud-sunod nitong pasabog kung sino ang showbiz couples na hiwalay na nitong 2023 at 2024. 


At disclaimer ng host, “Pero hindi po ‘yan confirmed (Paulo at Janine), ha, narinig ko lang.” 


Hirit ni Dyosa Pockoh, “Eh, di tuwang -tuwa, Tito Ogie, si Kim Chiu kasi crush na crush niya si Paulo.”


Dito ipinaalala ni Ogie na naibalita na nila noon sa vlog nila na kung single si Paulo noon ay posibleng maging sila ni Kim, dahil nga super close sila during the Linlang taping days, kaso may Janine sa buhay ng aktor noon.


At ngayon, sabi pa ni Ogie, “Granting na single na ulit si Paulo, malamang sa malamang ay puwede silang maging mag-on ni Kim Chiu. Kaya sa case na ito na kung sakaling single ulit si Paulo at ligawan niya si Kim Chiu ay hindi na ako magtataka kung maging sila dahil very close ang dalawa.”


Sabi rin ni Mama Loi, may kilig ang KimPau on and off camera.


“Oo, wa’ echos, kinikilig din ako sa kanilang dalawa, kasi nu’ng KimXi (Xian Lim), hindi ako kinikilig, eh.”


“Saka, parang hindi mahirap mahalin ang isa’t isa,” obserbasyon pa ni Ogie.


Kaya abangan ang kuwento sa mga susunod na araw tungkol kina Kim at Paulo.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page