top of page
Search
  • BULGAR

KIM, NAGPAKAMARTIR LANG DAW KAY XIAN SA LOOB NG 12 YRS.

ni Beth Gelena @Bulgary | May 11, 2024



File photo
Photo: Xian Lim at Kim Chiu

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizens ang naging reklamo ng GMA-7 writer na si Brylle Tabora na mahirap umanong katrabaho si Xian Lim. 


Hindi na raw siguro nakatiis ang writer kay Xian, kaya kahit alam niyang maba-bash siya ay inilabas niya ang saloobin sa actor-director.


Komento nga ng mga netizens…


“Grabe siguro ang pinagdaanan ng writer sa kanya at ‘di na napigilan mag-comment ng ganito, knowing na maba-bash s’ya ng mga fans at mapapatawag ng mga GMA bosses.”


“Mula nu’ng makita ko ‘yung pambabastos niya ru’n sa Kim impersonator sa isang event, hindi ko na talaga s’ya nagustuhan. Ang yabang n’ya,” pagbabalik-tanaw naman ng isang netizen.


“Super-yabang and namamahiya, cringe.”


“I remember parang na-Persona Non Grata pa s’ya sa isang place? ‘Di ko lang tanda kung saan,” ani ng isang netizen patungkol sa isyung kinasangkutan ni Xian noon.


Sagot naman ng isa, “Sa Albay, ‘di ko makakalimutan ‘yung ‘I did not come here to promote Albay’. Para magsuot lang ng shirt na ‘I love Albay’, umayaw pa, 6 digits na TF (talent fee) ang ibinayad kaya asar na asar si Salceda nu’n.”


Dagdag pa ng mga netizens na sari-sari ang mga reaksiyon….


“Nagka-issue rin s’ya ru’n sa director nila nu’ng movie nila nina Alex G and Kylie. I remember nag-rant s’ya sa socmed (social media) that time.”


“Powerful and bankable ba si Xian para malagot? LOL (laugh out loud)! Kung prime artist pa ‘yan ng GMA like Dingdong or Alden, baka puwede pa.”


“Well, the entire interview which tries to project Xian as a good guy, is a joke.”

“Public figures have little privacy to begin with. This writer is guilty of what he is accusing

Xian of and worse, he lacks tact and integrity. An apology is the least he can issue for such unbecoming behavior.”


"If you read the article, it mentions about his work. May line pa ru'n na “his reputation precedes him” daw. Bad reputation pala, haha!”


“Sadly, he is not connected to Kim anymore, kaya tadtad ng bash ngayon.”


Ayon pa sa mga bashers, kaya raw pinagtiyagaan ni Xian nang 12 taon si Kim ay dahil magaling umanong makisama ang aktres sa mga katrabaho nila.


Sey naman ng isang netizen tungkol dito, “If totoo man ‘yan, meaning, nag-settle sa kanya

si Kim for that long tapos masama pala ang ugali? Either Kim is too martyr or best friends nga lang talaga sila.”


Marami rin ang nagsabing nananahimik na ang aktres at naka-move on na, kaya’t huwag na siyang gamitin para lang pag-usapan ang taong wala naman nang kaugnayan sa kanyang buhay. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page