ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 12, 2023
Laman ngayon si Kim Domingo ng mga Korean online news at maging dito sa atin.
Pinag-uusapan din siya sa social media dahil sa kanyang ginawa sa iniidolong sikat na South Korean singer-actor at miyembro ng Astro boy band na si Cha Eun Woo.
Well, nagpadala lang naman ng food truck ang Kapuso actress sa set ng ginagawang drama ngayon ni Cha Eun Woo na A Good Day to be a Dog sa SK.
Kung tutuusin ay kayang-kaya naman talaga ni Kim ‘yun kung halaga lang ng food truck ang pag-uusapan. Pero ‘yung effort to achieve that since sa ibang bansa ‘yun plus artista pa siya, ‘yun ang talagang kahanga-hanga.
Ang pagpapadala ng food truck sa filming site ng isang artista ay common nang ginagawa ng mga fans and kapwa-celebrities din to show their love and support for the star.
Kung isa kang fan, isa ito sa ultimate fangirling moment talaga – ang makapagpadala ng food truck sa iniidolo mo.
Sa official Twitter page ng Astro ay nag-post ang Korean heartthrob ng pasasalamat kay Kim.
Makikita sa larawan na nasa harap siya ng food truck na ipinadala ng aktres.
“I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well. Thank you so much,” ang caption ni CEW.
“Teacher Seowon Chaiting!!!” dagdag pa niya.
Seowon ang pangalan ni Eun Woo sa ginagawa niyang drama kung saan ay teacher ang kanyang ginagampanang papel.
Nakalagay naman sa banner na ipinadala ni Kim ang mensaheng “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting! – from Philippines, Kim Domingo.”
Nag-trending agad si Kim sa Twitter dahil dito at maging ang mga fans ni CEW ay nagpasalamat sa kanya. Pati ang mga Korean online news and portals ay ibinalita ang kanyang ginawa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Kim ang kanyang suporta para sa kanyang idol.
Last year, nang magkaroon ng fan meeting dito sa bansa ang nasabing K-pop superstar ay talagang pumila nang bonggang-bongga si Kim para makabili ng tiket.
Nagpadala rin siya ng rice wreath sa isang fan meeting ni Eun Woo sa South Korea noong September, 2022.
Last November, 2022 naman ay nagpa-private screening siya para sa Korean film ni Cha Eun Woo na Decibel.
Comments