top of page
Search
  • BULGAR

KIM, NAGDISPLEY MUNA NG KATAWAN BAGO MAGPAKASAL KAY XIAN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 06, 2023



Kim Chiu, magpapa-sexy muna bago magpakasal kay Xian Lim!


Yesss! 'Yan ang himig ng sagot ni Kim nang makatsikahan ni yours truly sa dining area ng Cinema 76 Cafe habang nagpi-preview pa ang ilan naming kasamahan sa newest ABS-CBN Dreamscape and Prime Video series titled Linlang na nagsimula na nito lang October 5, 2023.


Iba na ang awra now ni Kim Chiu, tipong nagbawas ng timbang at sumeksi tuloy ang kanyang wankatitat sa suot niyang gown that day na tipong labas ang tiyan at cleavage, sa true lang.


The following ay ang aming saglit na tsikahan…


"Kim, sabi sa 'kin ni Xian nu'ng preskon n'yo last year sa Viva Films titled Always na ako raw ang unang makakaalam kapag ikakasal na kayo," sey sa kanya ni yours truly.


"O, tinawagan ka na ba niya at kelan daw kami ikakasal?" sagot niya with matching sweet smile.


"'Di pa nga, eh. Kelan ba talaga kayo ikakasal ni Xian?"


"No definite date yet, eh. Magpapa-sexy muna ako dito sa Linlang! Charottt! Hahaha! Sayang naman kasi ang mga projects. Dito nga lang sa Linlang ibang Kim Chiu ang mapapanood ng moviegoers at ng mga fans namin. Sana, tanggapin nila ang pagpapa-sexy ko rito sa Linlang lalo na 'yung mga love scenes namin dito ni Paulo Avelino."


She even added na hindi raw madali para sa kanya ang role niya sa Linlang bilang si Juliana na nangaliwa sa kanyang asawa.


“Lahat po ng ito ay mahirap po para sa akin dahil una, kinokontra ko po ‘yung role ko rito.


Kalaban ko ‘yung sarili kong dignidad sa ipinaglaban ng karakter ko. So, kalaban ko ‘yung sarili ko.


“Parang siyempre, kailangan kong maniwala sa ginagawa ni Juliana. Si Kim Chiu, kailangan niyang maniwala kay Juliana kung bakit siya naging ganoon.


“Parang opposite beliefs kami. Pero at the end of the day, I’m an actor, and then, kailangan ko ‘tong gampanan, at kailangang maniwala ‘yung mga tao sa pinapanood nila.


“Sana, maisip nila na si Kim Chiu at Juliana ay magkaiba.


“Dahil minsan kasi, sa mundo natin, mahirap nang ilayo ‘yung ikaw, at ‘yung role na ginagawa mo.


“So, minsan, nakakalimutan ng mga fans namin, o ng mga tao, na aktor and aktres kami. Isa sa mga trabaho namin, mag-deliver ng ibang pagkatao,” ang mahaba niyang paliwanag na may sense at point naman, in pernes.


Si JM de Guzman naman na isa sa dalawang leading men ni Kim dito sa Linlang ay nagsabing first time niyang gumawa ng serye sa Dreamscape. First time niyang makatrabaho sina Paulo Avelino at si Ms. Maricel Soriano. Pero si Kim Chiu ay nakasama na raw niya sa isang movie pero first time silang nagsama sa teleseryeng Linlang.


Well, as the saying goes… first time shouldn't be the last time... pakkkk, tumpak!

'Yun lang and I thank you.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page