top of page

KIM, DAHILAN NG HIWALAYANG PAULO AT JANINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 8, 2024



May isyu ba sa pagitan nina Kim Chiu at Janine Gutierrez? Ano ang ugat ng kanilang gap? Professional rivalry kaya? 


Ito ang tanong ng ilang netizens sa lumulutang ngayong tsika na dumidistansiya sa isat isa sina Kim at Janine. 


Kaya sila ang tinutukan ng marami nang sabay na dumating sa unang gabi ng burol ni Deo Endrinal sa Heritage Park, Taguig. 


May ilang nagsabi na paborito kasi ni Deo si Kim at mas close sa Chinita Princess kumpara kay Janine. Mas mahaba ang panahon na pinagsamahan nina Kim at Deo, kaya natural lang na mas close ang yumaong executive ng Dreamscape kay Kim.


Sobra kasing malambing, generous at thoughtful si Kim Chiu kaya naging paborito siya ni Deo.


Pero may bulung-bulungan ding pinagseselosan ni Janine si Kim kaya pansamantala raw naghiwalay ang una at si Paulo Avelino, though nagkabalikan na ngayon.

 

Marami namang mga Kapamilya stars ang dumalaw sa burol ni Deo tulad nina Maricel Soriano, Vice Ganda, Anne Curtis, Cherry Pie Picache, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Candy Pangilinan at marami pang iba. 


Well-loved si Endrinal ng mga nakatrabaho niya sa entertainment industry, kaya naman bumaha ng mga bulaklak sa kanyang burol sa Heritage Park.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page