top of page
Search
BULGAR

Kilos-protesta, tuloy… P5B kulang sa allowance ng 120K healthcare workers, 'di pa ibinibigay

ni Lolet Abania | September 1, 2021



Ipinahayag ni Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega na tinatayang nasa 120,000 healthcare workers pa ang hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang special risk allowance (SRAs).


“We have given [the SRA to] almost 379,000 [healthcare workers] and 20,000 plus, so we are actually just looking at 100,000 plus healthcare workers where we are going to give the SRA,” ani Vega.


Sa isang interview ngayong Miyerkules, sinabi ni Vega na ang bilang ng mga inaasahang eligible na healthcare workers na makakatanggap ng kanilang SRAs na isinumite ng DOH sa Congress ay 526,000. “We are slowly moving towards it. That’s roughly about 76 or 78 percent of the healthcare workers totality in terms of the frontliners,” dagdag ng kalihim.


Ayon kay Vega, sinimulan ng DOH na mag-distribute ng SRAs noong Hunyo, kung saan halos 379,000 healthcare workers mula sa public at private hospitals ang nakatanggap na ng first batch ng SRAs.


Samantala, sa budget briefing sa House of Representatives ngayon ding Miyerkules, ayon kay DOH Director Larry Cruz, mahigit sa P308 milyon mula sa karagdagang P311 million funds na ini-release para sa SRA ng mga health workers ang na-disburse na.


“Out of the P311 million, P308,181,207 was disbursed to various health facilities, which include private and LGUs (local government units),” paliwanag ni Cruz sa mga mambabatas sa House Committee on Health briefing ng DOH para sa panukalang P242.22-bilyon budget sa 2022 ng ahensiya.


Sinabi pa ni Cruz na sa naturang bilang, tinatayang nasa P111 milyon ang nakuha ng mga healthcare facilities, kung saan nasa kabuuang 1,264 health workers ang nakatanggap naman ng kanilang SRAs.


“That’s 20% of the total 20,000. ‘Yun po ang status po,” sabi ni Cruz.


Naglabas na ang national government ng additional funds para sa SRAs ng mga health workers sa gitna ng mga panawagan mula sa medical groups para sa pagbibigay ng kanilang allowances at benepisyo.


Maraming grupo ng mga health workers ang nagreklamo hinggil sa hindi pagbibigay ng kanilang SRA at pag-aalis ng iba pa nilang benepisyo gaya ng meal at transportation allowances sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban nila sa COVID-19 pandemic.


Dahil dito, isinagawa na ngayong Miyerkules ng mga health workers ang kanilang kilos-protesta hinggil sa hindi pa rin pagbibigay ng kanilang mga benepisyo. Samantala, tinanong naman ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa budget briefing ng ahensiya sa House Committee on Health kanina ang tungkol sa estado ng SRA ng mga healthcare workers.


Ipinaliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang budget para sa SRA ay itutuloy sa ilalim ng proposed Bayanihan 3 bill, na inaprubahan na ng House of Representatives subalit nananatiling nakabinbin sa Senado.


Sa paliwanag ni Cruz sa briefing, ipinunto ni Quimbo na marami pa ring healthcare workers ang hindi nababayaran para sa kanilang allowances. Giit ni Quimbo, ang expired Bayanihan 2 ay naglaan ng P13.5 billion para sa allowances, na ibig sabihin, ang P311 million na nai-release ng Department of Budget and Management noong nakaraang linggo ay hindi sasapat para sa mga healthcare workers.


Ayon pa kay Quimbo, ang mga healthcare workers ay dapat na makatanggap ng average P34,000 bawat isa ng special risk allowances, kung saan aniya, mayroong tinatawag na funding shortfall ng P5 bilyon.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page