top of page
Search
BULGAR

Kilos-protesta ng health workers, kasado na; gobyerno, galaw-galaw

@Editorial | August 29, 2021



Tiniyak ng mga health workers na tuloy na tuloy na ang kanilang kilos-protesta kaugnay ng usapin sa kanilang benepisyo.


Matagal nang problema ang anila’y mga pangakong napako ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.


Kasabay nito, kumukonsulta na rin umano ang grupo sa mga legal experts hinggil sa posibleng paglatag ng kaso laban sa mga opisyal ng Department of Health (DOH).


Naniniwala silang napakalaking kapabayaan ang nangyayari at apektado ang kanilang hanay.


Giit ng mga health workers, marami nang buhay ang nawala at nawawala dahil sa kawalan ng resources, walang pondo at walang serbisyong accessible.


Hindi dapat gawing rason ang pandemya para sa kawalan ng aksiyon dahil matagal na tayo sa ganitong sitwasyon. Dapat anatuto na tayo at nakagawa ng paraan para makasabay at makalaban.


Lahat ay may kani-kanyang ginagampanan, kaya hindi dapat nagsisisihan sa halip ay nakatuon sa obligasyon at nagtutulungan.


Batay sa batas, ang kalusugan ay basic human right at dapat itong siguruhin ng estado. Anumang isyu o pagkukulang ay dapat ginagawan agad ng paraan.


Kung umaaray man ngayon ang mga kabahagi ng health sector, ito ay kanilang karapatan. Ang mga health workers ang nag-aalaga sa mamamayan, sino naman ang mag-aalaga sa kanila?


Tutal, nagbigay naman na ng ultimatum ang Pangulo, sana’y maging maayos na ang lahat.


Ibigay na ang nararapat para sa mga health workers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page