top of page
Search

Kidney failure, 12 yrs. nag-dialysis… NORMAN SANTOS NG UMD, PUMANAW NA

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 7, 2025



Photo: Norman Santos - Chato Maria FB


Pumanaw na ang original member ng Universal Motion Dancers (UMD) na si Norman Santos due to a kidney failure. He was 52 years old.


Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang partner na si Chato Maria sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) account.


Ayon sa post ni Chato ay matagal ding nakipaglaban si Norman sa sakit sa kidney at 12 years na itong nagda-dialysis.


“It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years,” ang pahayag ni Chato.


Inanunsiyo rin niya na magkakaroon ng tentative viewing on February 12 to 16 sa St. Peter Memorial Chapel in Tabacuhan, Olongapo City.


Nag-post din ang official page ng UMD sa FB at ipinaalam din ang pagpanaw ni Norman.


“Isang kapatid-kasamahan namin sa grupo ang pumanaw na po, si ‘Tol Norman Santos. Mahal ka namin ‘tol at mami-miss ka namin ‘tol, sobrang nalulungkot kami sa pangyayari, nabawasan na naman po kami ng isang legendary na kapatid.. Pakikiramay sa pamilya. PAALAM SA ‘YO, ‘TOL NORMAN. UMD FOR LIFE,” ang post ng UMD.


Matatandaang sumikat nang husto ang UMD noong dekada ‘90. Ang iba pang miyembro nito ay sina Wowie de Guzman, Brian Furlow, Marco McKinley, Gerry Oliva, Jim Salas, James Salas at si Gerard Fainsan na pumanaw na rin noong 1997.


Ilan sa mga hindi malilimutang dance performances nila ay Always by Erasure, Stars by Simply Red, Dying Inside to Hold You by Timmy Thomas, How Gee by Black Machine, and Close To You by Whigfield. 


 

Nagbigay naman ng farewell message si Wowie de Guzman para sa yumaong kasamahan sa UMD na si Norman Santos.


Aniya, “UTOL....mahal na mahal ka namin. Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli, at the end of the day, magkakapatid tayo. Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat,” mensahe ni Wowie kay Norman na ipinost niya sa FB.


Humingi rin siya ng tawad sa pumanaw na kgrupo sa kanyang pagkukulang.


“Pasensiya ka na sa mga pagkukulang ko sa ‘yo, Man. Mahal na mahal ka namin, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa ‘yo. We love you, Norman Santos. UMD for Life, kitakits tayo nina Gerard sa finals ng buhay ko,” saad ni Wowie de Guzman.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page