ni VA / MC / Clyde Mariano @Sports | May 17, 2023
Golden finish ang kinubra para sa ika-52 gintong medalya ni Alvin Lobreguito sa Wrestling Men’s Freestyle 57kg sa huling isang araw bago magsara ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ngayong Mayo 17.
Siya ang sumunod sa ika-51st gold ni Kickboxer Jean Claude Saclag sa Men’s Lowkick -63.5kg event kung saan ito ang ika-3 straight gold medal ni Saclag.
Nagtala para sa ika-𝟓𝟎th gold si Dexler Bolambao sa Arnis Men's Full Contact Live Stick ng Bantamweight competition. Ang Pinay arnisador na si Maria Ella Alcoseba ang kumuha ng ika-49th gold sa Women's Full Contact Live Stick (Bantamweight).
Bronze medalist si Laila Delo sa Women's -67kg class ng Taekwondo, bronze din si Baby Jessica Canabal sa Taekwondo Women's -53kg category. Naka-tanso rin Dave Cea sa Men's -80kg Taekwondo.
Humabol din sa bronze si Abdul Barode sa PUBG Mobile - Mixed Individual maging si Joseph Chua sa Men's -63kg class ng Taekwondo. Hindi rin nagpahuli sa bronze si John Viron Ferrer sa Men's -90kg Judo event.
Matikas din sa silver medal si Jean Mae Lobo sa wrestling women's 72kg Class, maging si Jiah Pingot sa Women’s Wrestling 50kg class. Bronze si Jomar Balangui sa Men’s 57kg Lowkick event ng Kickboxing.
"I am proud of our athletes. I saw their hardwork with my own eyes during the SEAG and while preparing for it. Each moment our flag was raised in honor of a win is a proud moment for every Filipino. We reaffirm our support to our national athletes. The PSC will continue to work as hard as you train. Salamat sa lahat ng inyong sakripisyo," pahayag ni Philippine Sports Commissioner Chairman Richard Bachmann bago ang closing ceremony ngayong gabi. .
Komentar