top of page
Search
BULGAR

Kesa tumakbong cong… NETIZENS KAY JINKEE: I-DONATE MO NA LANG ANG YAMAN N’YO!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 10, 2024



Showbiz News

Dahil sa desisyong muling pasukin ang pulitika at tumakbong nominee ng isang partylist group, nabuhay na naman ang mga bashers ni Jinkee Pacquiao na pansamantala na sanang nanahimik nu'ng hindi na maging aktibo sa pulitika at showbiz ang kanyang mister na si Manny Pacquiao.


Muling binuksan ni Jinkee ang buhay nila sa publiko sa pakikisawsaw nila sa pulitika, lalo na ngayong hindi lang sila ni Manny (sa pagka-senador) ang tatakbo kundi maging ang pangalawa nilang anak na si Michael Pacquiao.


Nagtataasan na naman ang kilay ng mga bashers ni Jinkee dahil ano raw ba ang alam nito sa paggawa ng batas gayung ang nakikita lang ng mga tao sa kanya ay ang pagdidispley niya ng kanyang mga luxury items tulad ng branded bags, shoes, clothes at maging alahas?


Maging ang educational background tuloy ni Jinkee ay nakukuwestiyon at sabi nga ng iba, tiyak na magbabayad lang ng mga abogado ang misis ni Manny para siyang gumawa ng mga ipapasa niyang batas sa Kongreso, tulad din ng ginagawa ng ilang artista na wala naman talagang kaalaman at karanasan sa pinasok nilang larangan.


Reaksiyon at suhestiyon pa ng mga netizens at bashers ni Jinkee, imbes maghangad pa ng posisyon sa gobyerno para makatulong, ituluy-tuloy na lang nila ni Manny ang pagdo-donate sa mahihirap at maging pilantropo na lang sila, tutal ay sobra-sobra naman na ang kanilang yaman.


Ipaubaya na lang daw nina Manny and Jinkee sa ibang mas may ‘K’ ang mga posisyon sa gobyerno at sa pagtulong nang walang posisyon mag-focus.

Well, laban kung laban pa rin kaya si Jinkee after marinig ang mga kumokontra sa kanyang pagtakbo?


 

Movie producer na rin…

LOVI, GUSTONG SUNDAN ANG YAPAK NI FPJ


Lovi Poe

HINDI lang aktres kundi producer na nga rin ngayon si Lovi Poe ng Cest Lovi Productions at bongga ang kanyang first film collaboration with Regal Films titled Guilty Pleasure na showing na on October 16.


Leading men ni Lovi sa movie sina JM De Guzman at Jameson Blake na hindi lang parehong guwapo kundi magagaling pang aktor.


Ang daming sexy and intimate scenes ni Lovi sa dalawang aktor sa Guilty Pleasure pero happy siya na inirespeto siya ng mga ito at hindi nag-take advantage sa kanya.

In fact, pinag-usapan daw muna nila ang mga sizzling scenes nila at nagpaalam ang dalawa kay Lovi bago ginawa ang mga eksena.


Natanong si Lovi kung bakit pinasok na rin nito ang pagpo-produce ng pelikula at aniya, marami pa kasi siyang gustong gampanang roles na hindi niya magawa sa ibang production outfit kaya siya na mismo ang nag-produce ng Guilty Pleasure.


Gusto rin daw niyang makatulong sa movie industry tulad ng kanyang amang si the late Fernando Poe, Jr..


Definitely, hindi ito ang first and last film na ipo-produce ni Lovi at ngayon pa nga lang, may isa pa siyang movie na ginagawa.


So, don't miss Guilty Pleasure in cinemas on Oct. 16 at tiyak, kakaibang Lovi Poe, JM de Guzman at Jameson Blake ang bubulaga sa inyo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page