top of page
Search
BULGAR

Kesa sa Sinovac… 'Pinas, mas gustong bumili ng Pfizer at Moderna


ni Lolet Abania | August 19, 2021



Target ng gobyerno na bumili ng mga COVID-19 vaccine doses na mula sa Pfizer at Moderna kapag ang pagde-deliver ng kanilang mga suplay ay stable na.


Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa press conference ngayong Huwebes, inaasahan na ng pamahalaan ang pagdating ng tinatayang 5 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Setyembre.


“Yes, we’re exploring to buy more (Sinovac). But, ang ano nga namin, once na nag-deliver na ‘yung majority ng Pfizer at saka Moderna, we might be concentrating on these major brands,” sabi ni Galvez.


Nitong Miyerkules, nasa kabuuang 365,040 doses ng Pfizer vaccine ang dumating sa Pilipinas. Sinabi ni Galvez na marami sa mga bagong supply ng Pfizer vaccine doses ay dadalhin sa mga lugar na wala pang nababakunahan ng ganitong brand.


“So that in the future, once Pfizer picks up their deliveries, they are well aware and they are already well trained on how to handle the sensitivities of Pfizer,” ani Galvez. Ayon sa National Task Force Against COVID-19 (NTF), hanggang nitong Agosto 15, may kabuuang 42,575,350 COVID-19 vaccine doses na mula sa iba’t ibang brands ang nai-deliver sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page