top of page
Search
BULGAR

Kesa magparty-party… Paano ise-celebrate ang birthday nang safe habang may pandemya?

ni Justine Daguno - @Life and Style | April 19, 2021


Sa panahon ngayon na maraming nangyayaring hindi inaasahan sa paligid, napakalaking bagay na ang makapag-celebrate ng birthday. ‘Yung tipong, literal na YOLO o “you only live once” ang peg ng marami sa atin. Well, dahil minsan o isang beses lang naman sa isang taon, isagad na natin para maging memorable. Narito ang ilang mga bagay na puwede nating gawin nang sa gayun ay ma-enjoy, masulit at talagang hindi malilimutan ang birthday celebration:

1. MAGBAKASYON. Puwedeng magplano ng bakasyon kasama ang pamilya, barkada at oks lang din kung gagawin ito mag-isa. Ilang buwan o linggo bago ang kaarawan, i-check na ang mga lugar na safe pagbakasyunan dahil take note, meron pang pandemya. Simulan na ang pagko-cross out sa bucket list, sulitin ang life hangga’t kaya. Ganern!


2. MAGPUNTA SA BEACH. Yes naman, dahil beach is life! Kahit ano’ng season pa ang ating birthday, sobrang saya talaga kapag sa beach nagpunta. Pansamantalang iwasan ang hassle sa city at sulitin ang special day nang walang ibang pinoproblema, ikalma ang isip at mag-enjoy lang.


3. CAMPING TRIP. Exciting din i-spend ang birthday sa camping trip. Puwedeng mag-join sa mga group o organizations na nagsasagawa nito o oks din na kayo-kayo lang ng mga friends mo ang mag-set. Muli, siguraduhin lang na safe ang location, hindi lang sa masasamang loob kundi pati sa virus.


4. MAG-CHARITY. Imbes na gumastos o magwalwal nang husto, gawin ang birthday sa kawang-gawa. Kung may budget ay puwedeng mamigay ng ayuda sa mga kababayang mas nangangailangan, maaaring makipagtulungan sa mga taga-barangay para maisagawa ito nang sumusunod pa rin sa mga health protocols.

Dahil may pandemya, limitado ang mga galaw o puwede nating gawin. Pero ‘wag sana itong maging hadlang para hindi maipagdiwang ang isa sa mga pinakamahalagang araw para sa atin. Sa kabila ng napakahirap na sitwasyon natin, dapat nag-e-enjoy pa rin nang sumusunod sa mga patakaran kontra pandemya dahil safety first pa rin, ‘ika nga. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page