ni Julie Bonifacio - @Winner | August 5, 2020
Going strong pa rin ang pagkakaibigan ni Bugoy Drilon at ng kapwa singer na si Daryl Ong sa kabila ng controversial issue na kinasangkutan nila kamakailan.
Ito ang nilinaw ni Bugoy during our exclusive interview sa kanya sa online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na hosted by Bulgar's Entertainment editor Janice delos Santos-Navida and yours truly last Saturday.
Matatandaan na lumabas sa social media ang naging reaksiyon ni Bugoy sa pagdawit ni Daryl sa pangalan niya sa inilabas nitong video sa socmed.
Diumano, hindi nagustuhan ni Bugoy ang pagbanggit ni Daryl sa pangalan niya sa insidente sa airport na may nakarinig sa dating The Voice contestant na sinisiraan daw ang ABS-CBN tungkol sa pagkalap ng pirma ng Kapamilya Network bilang suporta sa pagbibigay sa kanila ng prangkisa.
"We're okay po," sambit ni Bugoy. "Yes po, going strong pa rin ang friendship namin.
Because at the end of the day po, we are trying to entertain the people. And at the end of the day, 'yung music po, 'yun po ang motto ko, eh, like I want to share my music (my priority)."
Katunayan na friends pa rin sila ni Daryl, nu'ng malaman nito na lumabas na ang bagong single ni Bugoy titled Impossible Love digitally, binati raw siya ng former The Voice contestant.
"Sila ni Michael (Pangilinan, ang ikatlong member ng grupo nila ni Daryl called BuDaKhel), ipinost nila 'yung kanta ko. They help me promote my song. And Michael even sent me food.
Even Daryl, he messaged me and congratulated me, 'Bro, I'm so happy for you. Na ang tunog mo talaga, iba. So, ituloy mo lang 'yan.' He gave me words of encouragement. So, nakakatuwa 'yun," kuwento ni Bugoy.
Inamin din ni Bugoy na nalungkot siya sa pagsasara ng ABS-CBN.
"I feel sad po because at the end of the day, bali-baligtarin man po natin ang mga pangyayari, ABS-CBN helped me kung anumang meron ako. And I'm forever grateful po sa kanila. Kasi, hindi ko naman maa-achieve ang ganitong sitwasyon ko, ganitong status ko because sila naman po talaga ang tumulong sa akin," pahayag niya.
Inaalala rin daw niya ang mga empleyado sa ABS-CBN na nakatrabaho niya.
"Actually, I'm sad po sa mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN. Na there's a point na hindi ko na sila makita. They don't have work. So, I'm sad and sympathize po sa kanila. And, ang laki po ng utang na loob ko sa ABS-CBN for giving me this opportunity to share my talent."
May ilan daw na mga nakakausap siya na empleyado ng Dos after nilang mawalan ng trabaho.
"Kino-comfort ko po sila. Alam ko 'yung sitwasyon. Alam ko 'yung nararamdaman nila. So, I give them comfort like everything is gonna be okay. Kinukumusta ko sila isa-isa. Sabi ko sa kanila, 'We have to fight kasi hindi pa naman tapos ang laban.'"
Speaking of fighting, tinanong namin si Bugoy kung naimbitahan ba siya na mag-join sa mga isinasagawang protesta ng Kapamilya stars. And if ever, nag-join ba siya?
"Wala naman po," sagot niya. "But I support them naman po. I think the best support na maibibigay ko is prayer. Prayers po talaga. You have to let God do the thing."
Inisip daw niya kung ano ang magiging kalagayan ng mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.
"I'm sad kasi naisip ko 'yung nangyari sa akin before na nawalan ako ng trabaho. Sabi ko, 'Panginoon, saan po ako pupulutin?' Pero naging positive pa rin ako na magiging okey ang lahat. There's a lot of ways. Even though they didn't get the permit for another franchise, they (still) found a way na kung paano pa rin sila makakatulong sa pagbibigay-saya sa kanilang audience. So, nakakatuwa naman na 'di naman natigil ang pagbibigay ng tulong at saya sa mga tao ng ABS-CBN. There's a way pa rin para makatulong."
During the quarantine period, ang music lang daw talaga ang pinagkakaabalahan ni Bugoy. Kaya nga natutukan talaga niya na pagandahin (sobra, huh?) ang kanyang bagong single na Impossible Love na ipinrodyus ng Mangroove Studios which is available in all digital platforms.
"Kung saan talaga ang puso mo, work on it. You have to manifest... share it. Kaya gumagawa po ako ng kanta, doon po ako nagsu-survive sa pang-araw-araw ko, it's all music. But at the same time, about business po, try to invest," payo niya.
Dagdag pa ni Bugoy, "Actually po, nag-invest po ako sa gym. Kaso nga, 'yung gym, natamaan din ng pandemic. So now, I'm trying to invest sa water station. Kasi 'di ba, necessity?"
Tsika pa ni Bugoy, ang kapatid ng ex-girlfriend niya at singer na si Liezl Garcia ang nagma-manage ng kanyang water station.
Comments