top of page

Kerwin, binaril habang nangangampanya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | Apr. 11, 2025



File Photo: Kerwin Espinosa - FB


Sugatan ang self-confessed drug lord na si Rolan Kerwin Espinosa at dalawang iba pa matapos barilin ng hindi nakilalang salarin habang nangangampanya nitong Huwebes ng hapon sa gymnasium sa Brgy. Tinag-an, Albuera, Leyte.


Kasamang nasugatan ang isang babaeng menor-de-edad at vice mayoralty candidate na si Mariel 'RR' Espinosa Marinay.


Si Espinosa ay kandidato sa pagka-alkalde ng Albuera, Leyte.


Batay sa imbestigasyon ng Albuera Police, nakaupo si Espinosa sa isang monoblock chair at naghihintay na tawagin para magtalumpati nang barilin sa likod ng hindi nakilalang gunman na nakatago sa kisame ng gym.


Kasamang tinamaan sa pamamaril ang dalawang iba pa at mabilis na isinugod ang mga ito sa pagamutan.


Nagpapatupad na ng hot pursuit operations ang Albuera Police at nagtatag na ng roadblocks upang tugisin ang hindi nakilalang suspek.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon at wala pang update sa kondisyon ni Espinosa at ng dalawang iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page