top of page
Search
BULGAR

Keri pa ba, besh?... Tips para labanan ang stress na nakukuha sa trabaho

ni Jersy Sanchez - @No Problem| December 15, 2020




Napakahirap iwasan ng stress. Gayunman, ang pinakaimportanteng stress management technique ay malaman kung ano ang sanhi ng physical, mental at emotional effects nito.


Kaya para harapin ito nang tama, dapat nating malaman ang puno’t dulo nito. Well anu-ano nga ba ang sanhi ng work-related stress at paano ito lalabanan?


  • COMPANY CULTURE. Ang mga palasigaw na boss, office bullies at nakaiiritang workmates ay nagiging dahilan kaya pakiramdam ng isang empleyado ay inaabuso siya at parang hindi belong. Ang ending, sumasama ang loob ng empleyado sa kumpanya at ibinabalik sa iba ang hindi magandang pakikitungo ng kapwa empleyado.

  • ‘DI PATAS NA EFFORT-REWARD SYSTEM. Base sa research, itinuturing na “reward” ng mga empleyado ang reasonable na suweldo para sa demand ng trabaho, pagkaka-promote at simpleng papuri o appreciation mula sa kanilang boss. Gayunman, nawawalan sila ng interes o energy na magtrabaho ‘pag hindi ito naibibigay sa kanila. At ito naman ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng negative thoughts na nagreresulta ng negative outputs.

  • WORK-LIFE IMBALANCE. Napakahalaga ng stress management para maisalba ang mga empleyado mula sa ideya ng pagre-resign. Dahil madali nang ma-access ang teknolohiya, kadalasan, naiistorbo ang kanilang bakasyon o day off dahil kahit hindi dapat magtrabaho, nakatatanggap pa rin ng “urgent” e-mail o phone call sa kanilang boss. Dahil dito, pakiramdam nila, nawawala ang essence ng bakasyon o pahinga, at ang ending, work mode pa rin kahit nasa labas ng opisina. At ito ang numero-unong dahilan kaya maraming empleyado ang nakararanas ng burnout.


Dahil alam na natin ang pangunahing sanhi ng workplace stress, narito naman ang ilang stress management tips para sa inyo:


  1. HEALTHY LIFESTYLE. Sikaping magkaroon ng sapat na tulog, kumain ng masusustansiyang pagkain at mag-ehersisyo. ‘Ika nga, hindi ka mapu-pull down ng ‘external affairs’ kung oks ang iyong panloob na kalusugan.

  2. MAGBAKASYON. Ito na siguro ang pinakapaboritong paraan ng mga empleyado sa pagre-relieve ng stress. Kaya para labanan ang “mini burnouts” at “creative blocks”, subukang i-reward ang iyong sarili sa pamamagitan ng bakasyon o leisure time. Maliit man o malaking achievement ‘yan, deserve mo ng reward o pahinga. ‘Ika nga, hindi tayo nabubuhay para lang magbayad ng bills.

  3. UMIWAS SA MGA NEGA. Say good bye sa mga toxic na tao kung keri naman. Gayundin, humanap ng grupo ng kaibigan sa trabaho na magbibigay-saya sa iyo sa halip na work-related stress.

  4. YOGA AT MEDITATION. Ang yoga at meditation ay nakatutulong para ma-detoxify ang isipan at katawan. Bukod sa nakatutulong para maging healthy at manatiling nakapokus sa outlook sa buhay, nagbibibigay ito ng positibong enerhiya sa iyong perspective.


Ayan, mga besh, make sure na susundin n’yo ang ilang tips na ito nang sa gayun ay malabanan natin ang stress na nakukuha sa pagtatrabaho.


Gayundin, ‘wag kalimutang ibahagi ang artikulong ito sa inyong mga kakilala o kapamilya. Okie?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page