ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 9, 2021
Grabe naman ang kakaibang trip ni Nadine Lustre, ha?
Akala namin ay si Nadine na ang gaganap na babaeng Tarzan, ang Hari ng Kagubatan, dahil sa kanyang outfit na ipinost niya sa kanyang Twitter account.
Eh, kasi ba naman, umakyat itong si Nadine kasama ang labidabs niyang si James Reid at ilang kaibigan sa bundok, as in nag-mountain climbing-hiking sila, at 'yung isang photo niya na ipinost niya sa Twitter, makikitang bagama't naka-puting t-shirt siya na hapit na hapit sa kanyang katawan, ang suot niyang pambaba ay panty o bikini lang habang may bitbit na backpack (in pernes, malayo sa hitsura ni Dora the Explorer!).
O, devah naman? As in parang wapakels si Nadine sa init na puwedeng makasunog sa kanyang flawless morena skin o sa mga lamok at iba pang insekto na puwedeng pumapak sa kanyang katakam-takam na katawan, ha?!
But in pernes uli, sa ganda ng katawan ni Nadine at umbok ng kanyang wetpaks, eh, wala namang nanlait sa labs ni James, in fact, umani pa nga siya ng papuri sa mga netizens, 'no!
So, may nanalo na, uwian na!
Comments