ni Mary Gutierrez Almirañez | April 5, 2021
Kinoronahan bilang first runner-up ang pambato ng Pilipinas sa Miss Eco International pageant na si Kelley Day na ginanap sa Egypt ngayong Lunes nang umaga (PHL time), Abril 5.
Ayon sa ulat, pinahanga ni Kelley ang mga hurado sa naging sagot niya patungkol sa gender equality. Aniya, matatag ang gender equality sa bansa at sa industriyang ginagalawan niya. Gagamitin umano niya ang Miss Eco International upang isulong iyon sa iba pang panig ng mundo.
Sa ginanap na pageant ay siya rin ang itinanghal bilang Best in National Costume.
Napanalunan niya ang titulong Miss Eco Philippines 2019 sa ginanap na Miss World Philippines noong 2019. Matatandaang na-postpone ang kompetisyon dahil sa pandemya.
Si Kelley ay may height na 5’7’’ at isang Filipino-British.
"Congratulations for our winners of Miss Eco International. Our new queen is Gizzelle Mandy Uys and first runner-up Kelley Day from Philippines. Second runner-up is Alexandria Kelly from USA. Congratulations all!” pagbati pa ng Miss Eco International organization sa kanilang Facebook post.
Comments