ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 14, 2022
It's real! Meaning, ang depression na tumama sa maraming utaw here and abroad simula nang magkaroon ng pandemic. At isa na si yours truly doon, sa true lang!
Si Vilma Santos, umamin na tinamaan ng depression nu'ng kasagsagan ng pandemic at isang taong hindi lumabas ng bahay, na masama raw pala lalo na sa mga senior citizens.
Pero ang talagang shocked boogie si yours truly ay kay Keempee de Leon na nang mapanood namin sa 2 Good 2 Be True sa Kapamilya channel lately ay tipong tumanda na para lang kaedad ng kanyang mommy dearest na si Daria Ramirez at daddy dearest na si Joey de Leon, eh, samantalang nu'ng kapitbahay namin sila noon sa Tomas Morato, Kyusi ay bagets na bagets pa siya.
And now that he is only 49 years old, he looks like a senior citizen already.
Katwiran niya ru'n sa preskon ng Mahal Kita… Beksman ni Direk Perci Intalan ay sobrang depression daw ang dahilan.
Dalawang taon siyang nagkulong sa bahay lalo na nang mawala siya sa Eat… Bulaga! pero wala naman daw siyang hinanakit at nakapag-move on na siya.
Pero may hirit pa rin siya na..."'Yung siguro, ang 14 years kang nandu'n, tapos parang sa isang iglap, bigla na lang nawala, so parang na-trauma ako.
"So for two years, nagkulong ako sa bahay... walang gupit ng buhok at ahit ng balbas.
Talagang kaiisip, wala akong kinakausap. Parang ang hitsura ko noon ay ermitanyo. Wala akong kinakausap. Although may mga pinagsasabihan ako... nagri-reach out ako pero parang hindi ka rin natulungan."
Dasal at puro dasal daw ang kanyang ginawa upang humingi ng tulong. At hindi naman daw siya pinabayaan ng ating Panginoon sa langit.
Sobrang pasasalamat daw niya kay Lord God Jesus Christ at hindi siya pinabayaan at ngayon nga ay may pelikula pa siyang Beksman na malapit nang ipalabas.
Well, totoo ang kasabihan na kapag ikaw ay gipit na gipit, sobrang stressed at sobrang depressed ay wala tayong ibang tatakbuhan kundi ang ating God Ama sa Langit... na walang iba kundi si Lord God Jesus Christ, our rock, our salvation, our protector, our great healer, great provider, halleluiah, amen!
So to Keempee, chillax always and never forget to pray and ask blessings from our Lord God Jesus Christ.
Glad that you are back in showbiz circulation now, Keempee de Leon. So keep it up!
Comments