ni Gerard Peter - @Sports | April 23, 2021
Sinelyuhan ng KCS Computer Specialist Mandaue City ang unang round na nakakapit sa matibay na ikalawang posisyon at mairehistro ang ika-apat na sunod na panalo nang takasan ang Dumaguete Warriors, 79-73, habang sa sumandal sa masigasig na fourth quarter run ang ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes para panatilihing walang panalo ang Tubigon Bohol Mariners, 61-55, sa pagtatapos ng unang round ng eliminasyon ng Chooks-to-Go Pilipinas Vis-Min Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Hindi naging problema sa Computer Specialist ang magkasunod na laro para itarak ang panibagong panalo bago pumasok ang second round game nito ngayong araw laban sa 3rd placer na Heroes na tiyak na babalik na ang mga nasuspindeng mga manlalaro sa isang kontrobersyal game noong nakaraang linggo.
Bumanat ng double-double performance si dating Magnolia Hotshots at TNT Tropang Giga forward Gryann Mendoza ng 20 points at 10 rebounds na pagbuhat sa koponan upang pangunahan ang opensa ng KCS, habang umalalay sina dating CESAFI stalwart Rhaffy Octubre na may 13 points at si Cebuano rising star Dyll Roncal sa 11 points at 2 assists para sa 4-1 kartada.
Sinubukang maghabol ng Warriors sa pagpasok ng huling quarter kasunod ng 52-65 lead ng KCS, sa paglatag ng 16-2 run sa pagtutulungan nina Jaybie Mantilla, Ronald Roy Mark Doligon para tuluyang agawin ang kalamangan sa 68-67. Ngunit patuloy na kumapit ang KCS sa pakikipambuno sa Warriors hanggang sa maitabla ang laban sa 71-all sa nalalabing minuto ng laban.
Nakaungos ang Mandaue mula sa split free throw ni Mendoza may 1:18 na nalalabi sa laro. May pagkakataaon ang Dumaguete na maagaw ang bentahe sa sumunod na mga play, ngunit sumablay ang tira ni Doligon na naging daan para sa transition play ni Roncal para sa 74-71 bentahe may 28 segundo ang nalalabi sa laro.
Comments