ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 26, 2023
Ang daming napaiyak sa post ni KC Concepcion sa kanyang Instagram page na childhood photos niya with her parents, Sharon Cuneta and Gabby Concepion, at isang liham niya sa kanyang ina written when she was a child.
Sa naturang liham kasi ay sinasabi niya na sana raw ay mabuo na ang kanilang pamilya.
“Dear Mommy, I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay, sana Papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter I love you so much talaga okay,” ang nilalaman ng sulat ni KC kay Sharon noong bata pa siya.
Touched ang mga netizens at ramdam na ramdam nila ang sinseridad sa hiling ng isang batang musmos na makumpleto ang kanyang pamilya.
Komento ni Ruffa Gutierrez, “Soooo touching.”
Sey naman ng isang netizen, “I hope Papa will stay with us so we will be a complete family like what you said in your letter. Ang.... sakit.”
Komento ng isa pa, “Naiyak ako dito. You’re so loved by many Ms. @kristinaconcepcion"
Reaksiyon ng isa pang follower, “Happy and sad. KC, hindi na bata pero 'yung wish & longing niya is 'yung makitang buo ang family.”
Sa caption ni KC ay nagpahayag ng excitement ang dalaga na finally ay matutupad na rin ang hiling niya na mabuo sila kahit sa concert man lang.
Bukas (Friday, October 27) na gaganapin ang Dear Heart reunion concert ng mga magulang niya sa SM Mall of Asia Arena.
Tila hindi pa nga makapaniwala hanggang ngayon si KC na mangyayayari ito.
“Sometimes talaga, a fairytale will remain as a fairytale na lamang… Pero that’s okay! Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life,” ani KC.
“Imagine, 3 days na lang at magsasama na sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years… May ganito pa palang puwedeng mangyari!!!” patuloy pa niya.
“Fairytale come true pa rin naman, 'di ba?” aniya pa.
Comentários