top of page
Search

KC, TANGGAP ANG MGA PAGKUKULANG NI GABBY BILANG AMA

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 18, 2023



Sa isang pambihirang pagkakataon ay nag-open-up si KC Concepcion tungkol sa relasyon niya sa amang si Gabby Concepcion at marami siyang bagay na nilinaw.


Nakapanayam ni Bianca Gonzalez si KC sa CinemaNews ng Cinema One at sinabi ng dalaga na bagama’t hindi niya nakasamang lumaki ang ama, nang lumaki naman daw siya ay bumawi ito nang bonggang-bongga.


“Even if nu’ng time na lumalaki ako, wala siya ru’n as much as my mom and my lola raised me.


My mom, she never said anything bad about my father, that’s why, siguro, naging maganda rin ang perspective ko when it comes to him,” sabi ni KC.


“I think, what’s important for people to know is that right now, nu’ng 20s ko and 30s ko, talagang very present siya sa buhay ko,” patuloy niya.


Every week ay nagkikita raw sila ni Gabby at masayang nagba-bonding, bagay na hindi alam ng marami.


“Expectation vs. reality,” natatawa pa niyang sabi. “‘Yung reality is talagang very present siya sa buhay ko since naging adult na ako and I think that’s something na hindi pa clear sa tao and I wanna let them know today na you know, ‘yung past, past na ‘yun, eh.


“Parang the fact na nandito siya sa buhay ko, very present since nag-20s ako, that’s a big deal,” she said.


“Ever since nag-20s ako hanggang ngayon, alam mo ‘yun, weekly kami kung mag-family reunion, talagang lagi kaming nag-uusap, lagi kaming nagkikita, and nasusuportahan niya ako in ways na hindi niya magawa dati,” pahayag pa ng dalaga.


Aminado naman si KC na may pagkukulang si Gabby bilang tatay noong bata pa siya pero ibang-iba na raw ito ngayon.


“Ang pinakagusto kong malaman ng tao is hindi man siya naging perpektong father sa akin dati pero ibang-iba na siya ngayon. Grabe na ‘yung pagiging present niya as a father sa akin ngayon,” aniya.


“Oo, nagkulang ‘yung Papa ko before. Ang maganda lang, nakabawi siya. Sa akin, at least.


Let’s focus on the present, let’s focus on happy things. I just wanna be happy and I really wish everyone well. Kasi everyone deserves to be happy, truly happy,” dagdag pa ng nag-iisang anak nina Gabby at Sharon.


Kahit daw ang mommy niya ay magiging happy to know na bumabawi naman ang papa niya ngayon.


“We all deserve a second chance, ‘di ba? Sobrang hirap din ang pinagdaanan ni Papa bilang lalaki,” sey ni KC na nagiging emosyonal na.


“And as a man, you know, he’s doing everything he can right now to provide for his family with my stepmom and to provide that support. . . you know, not naman financially, but morally and emotionally, he’s there for me and all his children naman he loves,” pagtatanggol ni KC sa ama.


As for her mom, siyempre ay iba rin naman ang kanyang pagmamahal dito.


“Mommy ko, nandiyan na ‘yan. Forever love ko ‘yan. First love ko ang Mama ko and forever love ko ang Mama ko. And wala ako kung wala siya,” ani KC.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page