ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 19, 2025
Love is lovelier the second time around nga kaya ang drama ni KC Concepcion at ng ex-boyfriend niyang si Aly Borromeo?
Spotted kasi sa latest Instagram (IG) post ni KC ang pictures nila ng dating team captain ng national football team ng Pilipinas (ang Azkals) na si Aly sa wedding ng non-showbiz couple na friends nila.
Nagkarelasyon sina KC at Aly couple of years ago at naghiwalay noong 2018.
This time, nagkakasunud-sunod ang patikim ni KC sa kanyang posts sa socmed (social media) regarding the latest tsika about her love life.
Sa latest IG post ni KC, rumampa si Aly kasama ang isa sa mga groomsmen, habang si KC naman ay isa sa mga wedding guests.
May picture rin sina KC at Aly sa reception ng wedding kasama ang isa pang miyembro ng Azkals na si Anton del Rosario.
Last year, kinutuban na ang mga netizens na may naganap na balikan kina Aly at KC nu’ng makita sila na magkasama sa Paris, France noong August, 2024.
Then, may post ulit si KC tungkol sa Azkals Celebrity Cup kung saan naglaro si Aly last October 7, 2024. Kaya duda tuloy ng mga netizens ay matagal nang nagkabalikan ang dalawa.
If true, si Aly ang ikalawang ex-boyfriend ni KC na kanyang binalikan. Ang una ay ang French filmmaker na si Pierre-Emmanuel Plassart.
Ang huling boyfriend ni KC ay ang Swiss businessman na si Steve Michael Wuethrich.
Dasal ng mga fans ni KC Concepcion, “Woot! woot! I hope it’s for good this time for Aly and KC.”
“Beautiful together”
“Sana, ikaw na ang next, KC. I love Aly for you (love and happy emoji).”
TIYAK na mas magniningning ang 38th Star Awards for Television sa pagsasama-sama ng tatlong sikat at bigating Kapuso at Kapamilya artists na sina Alden Richards, Kim Chiu at Piolo Pascual bilang mga hosts nito.
Gaganapin ang inaabangan at star-studded na gabi ng parangal ngayong Linggo, March 23, 2025, 7 PM sa Dolphy Theater sa Quezon City.
Bibigyang-parangal ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga namukod-tanging programa sa telebisyon sa buong 2024, pati na ang mga performances sa larangan ng drama at comedy, hosts sa iba’t ibang kategorya tulad ng variety shows, talk shows, documentary, lifestyle, educational, game shows at iba pa, gayundin ang mga broadcasters.
Ang magbubukas ng programa ay isang pasabog na production number mula sa GMA big stars na sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, kasama sina Kai Montinola at Jarren Garcia ng Pinoy Big Brother (PBB).
Magbibigay ng espesyal na tribute si Concert King Martin Nievera para sa Movie Queen na si Gloria Romero bilang isa sa mga icons of Philippine Television.
Hahataw naman sa finale number ang mahusay at award-winning singer na si Jed Madela kasama ang mga cutie na Eat… Bulaga! (EB!) Singing Queens.
Gagawaran ng pagkilala sina Janice de Belen bilang Ading Fernando Lifetime Achievement awardee (sa kanyang maraming taon bilang aktres at host sa local television) at Julius Babao bilang Excellence In Broadcasting Award Lifetime Achievement awardee.
Ang i-Witness na isa sa mga haligi ng programa ng GMA Integrated News ay iluluklok na sa prestihiyosong PMPC Hall of Fame bilang Best Documentary Program sa pagwawagi nito ng labinlimang beses sa nasabing kategorya.
Ngayong taon, napili rin ng PMPC media group ang mga sikat na tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (para sa Linlang) at Barbie Forteza at David Licauco (para sa Pulang Araw) upang makamit ang German Moreno Power Tandem Award.
Sa pamumuno ng PMPC President na si Mell Navarro at over-all chairman Rodel Fernando, ang 38th Star Awards for Television ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing Philippines ni Tess Celestino-Howard at direksiyon ni Eric Quizon.
Mapapanood ang delayed telecast sa April 5, Sabado, 10:30 PM sa A2Z.
ความคิดเห็น