Kaya super-laki ng utang na loob sa Superstar… COCO, NABUHAY ANG CAREER DAHIL KAY NORA
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 28, 2025
Photo: Coco Martin sa Batang Quiapo - IG / Nora Aunor - IG
Malaki raw ang utang na loob ni Coco Martin kay Nora Aunor, kaya hindi niya kinakalimutan na padalhan ng tulong ang Superstar kapag kailangan nito.
Noong pumanaw si Aunor, si Coco ang isa sa mga unang dumalaw sa burol, kasama si Julia Montes.
Naikuwento ni Coco sa ilang kaibigan na hindi niya malilimutan ang itinanghal na National Artist. Noon daw tumamlay ang kanyang career at madalang ang project, tinawagan ng Superstar ang isang kaibigang direktor at ipinasama si Coco sa movie na ginagawa nito.
Nagkasama noon sina Aunor at Coco Martin sa seryeng Padre de Familia (PDF), kaya napalapit ang loob ni Coco sa Superstar.
Naniniwala si Aunor na magaling na aktor si Coco at very expressive rin ang mga mata, kaya nabigyan ng second chance ang career nito at sumikat nang husto sa TV remake ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) na umere ng 7 years.
Ngayon, ang Batang Quiapo (BQ) ay patuloy sa pagtaas ng ratings at dito ay nabibigyan ng chance ang mga datihang artista na wala nang project ngayon. Nagkakaroon sila ng exposure at muling napapanood sa telebisyon.
LABIS na nanghihinayang si Ian de Leon na hindi niya natupad ang pangarap sa kanya ng kanyang Mommy Guy na maging direktor.
Nakikita raw ng Superstar na may talent si Ian sa pagdidirek. Bata pa si Ian ay naglalaro na sila nina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth at pinaaarte niya ang mga kapatid.
Kaya naman nang magbinata na si Ian ay pinayuhan siya ni Aunor na mag-aral ng movie directing.
Pangarap ni La Aunor na magkasama at magkatrabaho sila ni Ian sa isang movie project.
Kumuha naman ng basic course si Ian sa movie directing. Marunong na rin siyang mag-edit at humihingi siya ng advice sa mga magagaling na direktor na nakatrabaho ng kanyang Mama Guy.
Hindi pa nabibigyan si Ian ng break upang magdirek sa pelikula at nakamatayan na ng kanyang mama ang makita siyang isang ganap na direktor.
Wish din ng Superstar na maidirek siya ni Ian sa isang pelikula.
Well, tiyak naman na gagabayan si Ian de Leon ng kanyang ina upang maging ganap na direktor. May mga TV projects naman siya ngayon at napag-aaralan ang mga sistema sa pagdidirek ng pelikula.
Kahit may AJ na….
ALJUR AT KYLIE, TOGETHER AGAIN SA GRADUATION NG ANAK
MARAMING netizens ang natuwa at pumuri kay Aljur Abrenica nang dumalo siya sa graduation sa kindergarten ng mga anak na sina Alas at Axl. Magkakasama silang nagpa-picture sa stage kasama si Kylie.
At least, kahit hiwalay na sila ay dumarating si Aljur sa mga special events ng kanilang mga anak.
Hindi ganap na pinutol ni Kylie ang ugnayan ng 2 anak sa kanilang ama, regular pa rin ang kanilang bonding.
Samantala, wala pang ipinakikilalang bagong BF si Kylie Padilla ngayon. Si Aljur ay umamin na sa relasyon nila ni AJ Raval.
Dati ay nali-link si Kylie sa isang tattoo artist pero hindi ganoon kadali ang sitwasyon ng isang single mom na tulad ni Kylie. Mahihirapan siyang makahanap ng isang lalaking tatanggap sa dalawa niyang anak.
Minsan, nasasabi na lang ni Kylie na napapagod na rin siya sa pagiging provider. Gusto naman niyang maranasan ang isang relaxed na buhay kapag nakatagpo na siya ng isang lalaking magiging good provider sa kanilang mag-iina.
LABIS na nanghihinayang ang mga artistang hindi nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang yumaong Superstar/National Artist na si Nora Aunor. Para sa kanila ay isang malaking karangalan na maituturing ang makasama/makatrabaho ang Superstar sa isang TV/movie project.
Halos lahat ng mga baguhang artista ay pangarap na makatrabaho ang nag-iisang Nora Aunor.
Nagsisilbi itong challenge upang pagbutihin nila ang kanilang pag-arte.
Kaya naman proud na proud ang Kapuso actress na si Jo Berry dahil nagkasama sila ni Aunor sa teleseryeng Onanay. Lagi raw siyang pinapayuhan ni Aunor kapag may mga eksena silang gagawin.
Sina Aiko Melendez at Jeric Gonzales ay nagkaroon din ng pagkakataon na makasama si La Aunor. Nakasama ni Jeric si Nora sa 3 pelikula.
Maging ang Kapuso actress na si Bianca Umali ay humanga nang husto sa Superstar nang magkasama sila sa pelikulang Mananambal.
Ganoon din ang experience ng aktor na si Alfred Vargas na nakatrabaho si Nora Aunor sa pelikulang Pieta.
Nanghihinayang naman ang aktres na si Elizabeth Oropesa dahil ni minsan ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makasama ang isang Nora Aunor na katulad niyang isang Bikolana.
Commentaires