top of page
Search
BULGAR

Kaya raw patawarin pero… GERALD, NEVER IUURONG ANG KASO KAY DANNY TAN SA PANGRE-RAPE SA KANYA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 11, 2025



Photo: Gerald Santos - FB


Muli naming nakaharap ang Pinoy pride bilang Thuy sa Miss Saigon at balladeer na si Gerald Santos sa ginanap na mediacon kahapon para sa kanyang upcoming concert sa SM North EDSA Skydome on January 24, 2025 titled Courage.


Courage ang title ng concert dahil kasabay nito ang launching ng advocacy ni Gerald na Courage Movement na tutulong sa mga biktima ng rape na tulad niya.


Kung matatandaan, last year ay matapang na humarap sa Senate hearing si Gerald Santos para isiwalat ang naranasang panggagahasa umano sa kanya ng dating musical director ng GMA-7 na si Mr. Danny Tan nu’ng year 2005 kung saan 15 yrs. old lang siya.


Matagal bago nagkaroon ng lakas ng loob si Gerald na ibulgar ang nangyari sa kanya dahil na rin sa takot at pangamba, lalo’t that time ay hindi naman daw nabigyang-pansin ng GMA-7 ang kanilang reklamo ng manager niyang si Doc Rommel Ramilo.

Pero nang lumabas nga si Sandro Muhlach at nag-file ng kaso laban sa dalawang contractual ng GMA-7, na-inspire si Gerald na magsalita na rin at maghanap ng katarungan sa nangyari sa kanya.


Kaya naman after ng Senate hearing, itinuloy na ni Gerald ang pagsasampa ng kaso laban kay Mr. Danny Tan at sabi nga ng singer, hindi lang para sa kanya ang ginawa niyang ito kundi para na rin sa mga iba pang naging biktima umano ng dating musical director.


Matapos nga kasing lumabas ni Gerald, nalaman niyang hindi pala siya nag-iisa dahil naglabasan din ang iba pang nagke-claim na nabiktima rin ni Mr. Danny Tan tulad na lang ni Enzo Almario na mas bata pa raw kesa sa kanya nu’ng ito’y maabuso.


Tinanong namin si Gerald kung nag-reach out o nakipag-communicate ba sa kanya si Mr. Danny Tan mula nang magsalita siya, pero umiling ang singer, at hanggang ngayon daw, wala silang komunikasyon nito.


Hindi pa rin daw sila nagkikita sa korte pero kung sakaling magkita sila, taas-noo naman daw siyang makakaharap dito dahil malinis ang kanyang kunsensiya na nagsasabi siya nang totoo lalo’t kahit magdadalawang dekada nang nangyari ang diumano’y pang-aabuso sa kanya ay malinaw na malinaw pa rin ito sa kanyang alaala.


When asked kung sakaling humingi ng apology sa kanya si Mr. Tan, patatawarin ba niya, ang sagot ni Gerald ay kaya niyang magpatawad pero itutuloy pa rin daw niya ang kaso para mabigyang-hustisya ang nangyari sa kanya at sa iba pang biktima.


Sa ngayon, unti-unti nang bumabalik sa normal si Gerald mula sa trauma na inabot at mabuti na lang at buo ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya, ng manager na si Doc Rommel at ng mga taong personal na nagme-message sa kanya para mag-share rin ng mga katulad nilang naranasang pang-aabuso kaya nai-inspire si Gerald na ipagpatuloy ang kanyang Courage Movement advocacy.


Bukod sa kanyang Courage concert, may bagong single rin si Gerald titled Hubad na nasa Spotify na ngayon at may aabangan ding pelikula niya, ang Ayaw Matulog ng Gabi kung saan mas mature at mas sexy na Gerald Santos na ang mapapanood.

Bongga ang 2025 ni Gerald, ang daming projects!!!


Anyway, ang Courage concert ay mula sa concept, script and direction ni Doc Rommel Ramilo at produced ng EchoJam at Visionary Productions.


Kitakits sa January 24 sa SM North EDSA Skydome para sa Courage concert.


 

PAGPASOK pa lang ng 2025, may heartfelt message na ang mga hosts ng Cayetano in Action (CIA) with BA na sina Senators Alan Peter, Pia Cayetano at Boy Abunda sa mga manonood nila sa first episode ngayong taon ng programa na umere nu’ng Sunday, January 5.


“Sa lahat sa inyo na naging mahirap, masakit, masaklap ang mga pangyayari noong 2024, it’s a new season. Say, ‘Goodbye!’” sabi ni Sen. Alan. “Lahat din sa inyo na naging maganda ang 2024, [it’s] time to look forward to even better times.”


“Kung ano mang mali, from the bottom of our hearts, just apologize, say, ‘Sorry.’ Kung ano mang tama, [let’s] do better, do our best,” dagdag niya.


Binigyang-importansiya naman ni Sen. Pia ang gratitude even during challenging times.


“We’ve been through so many trials in life. Some years, masasabing itong taon na ‘to, napakahirap, or last year [mas] mahirap. [But] even during those hardest times, there are always things to be grateful for,” aniya.


“That’s what I’d like to share with everyone — na pigain n’yo, hanapin n’yo what you can be grateful about. ‘Yung kakayahan natin na makahanap ng joy even in the midst of pain,” dagdag pa niya.


Si Tito Boy naman ay nag-focus sa transformative power of love.


“Ang natutunan ko at patuloy na natututunan ay nothing can survive love—no bashing, no negativity, walang pangungutya, walang kasinungalingan ang puwedeng mabuhay amidst love. Kahit ano pa ang mangyari sa atin, just love,” aniya.

Relate ba kayo d’yan? 


Sa mga may pinagdaraanan pa rin kahit kasisimula lang ng 2025, watch CIA with BA this Sunday at 11:00 PM on GMA-7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 PM para ma-inspire sa mga topics na pinag-uusapan ng tatlong hosts.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page