top of page
Search

Kaya raw out sa Wowowin… WILLIE, IPAPA-NBI ANG MGA NAGKAKALAT NA NABUNTIS NIYA SI HIPON GIRL

BULGAR

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 04, 2021




Trending ang chismis na may nabuntis daw ang Wowowin host na si Willie Revillame. Hindi nakatiis si Kuya Wil at nagsalita na ito sa kanyang programa nu'ng Huwebes.


Ang intrigang ikinakabit ngayon kay Kuya Wil ay nabuntis umano nito ang kanyang co-host sa Wowowin na si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.


Kaya raw nawala si Hipon Girl sa programa ni Kuya Wil ay dahil nasa maselang kalagayan ito ngayon.


Nilinaw ng Wowowin/Tutok To Win host na fake news ang lumalabas sa social media.

"Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo 'yan. Puro fake news ang ginagawa n'yo," bulalas ni Kuya Wil.


Isinama na rin niyang nilinaw ang pagkaka-link sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

"Pati kay Kris Aquino, mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala d'yan. Pati mga taong nananahimik," dagdag ni Kuya Wil.


Pinag-iisipan ng TV host na idulog o ireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may pakana ng naturang intriga.


"Kaya raw nawala si Hipon, nabuntis ko. Ano'ng magiging anak namin... hipon?" sambit pa niya.


Paalala pa ni Kuya Wil, maraming fake news ngayon kaya hindi dapat basta-basta maniwala ang mga tao.



תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page