top of page
Search
BULGAR

Kaya raw no show sa mga events ng network… SIGAW NG NETIZENS: JENNYLYN, NAGPAPATAAS LANG NG TALENT FEE

ni Nitz Miralles @Bida  | July 8, 2024



Showbiz News

Pinansin ng mga kaibigan ni Jennylyn Mercado na tila malaki ang lote kung saan magpapatayo ng bago nilang bahay sina Jennylyn at Dennis Trillo. Makikita nga ang laki ng lote na patatayuan ng family home ng mag-asawa sa groundbreaking ceremony.


Ang mga followers na ni Jennylyn sa Instagram (IG) ang sumagot sa comment na napakalaki ng lote na tatayuan ng bago nilang bahay. Kaya raw malaki dahil lalakihan ang restroom para sa mga TikTok videos ni Dennis na madalas, sa restroom niya ginagawa.


Napansin namin na may mga galit kay Jennylyn dahil sa nabalitang paglipat niya sa ABS-CBN, bagay na itinanggi ng management niyang Aguila Entertainment. Nai-report din ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na wala naman daw offer ang ABS-CBN kay Jennylyn at hindi rin totoo na may offer ang Dreamscape na series sa kanya.


Ang linyahan ng mga nagalit kay Jennylyn, hindi raw sikat ang Kapuso actress at wala siyang nag-trending na show. Inakusahan pa ang aktres na nagpapataas lang ng talent fee sa GMA Network, kaya hindi dumadalo sa mga events ng GMA.


Kapag hindi na naman dumalo si Jennylyn sa GMA Gala 2024 sa July 20, may iba na namang narrative ang mga galit sa aktres. Last year, hindi rin dumalo sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA Gala, pero hindi naging isyu. This year lang magiging big issue ang absence ng mag-asawa.


 

BINATI ni Vilma Santos ang anak na si Luis Manzano at ang manugang na si Jessy Mendiola sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN. Ipinost ni Vilma ang photo ng dalawa at may caption na: “Congratulations my son Lucky @luckymanzano, congratulations my daughter @jessymendiola.. KAPAMILYA FOREVER! Love you!!!”


Sumagot si Luis ng “Love you!!!” at sinundan ni Jessy ng “Love you po, Momski.” 


Marami ang nag-congratulate sa mag-asawa. Natutuwa ang mga fans kay Jessy na muli siyang mapapanood sa telebisyon at hihintayin nila ang kanyang project.

Pinansin ng isang fan ni Vilma ang pagtawag niya ng “My daughter” kay Jessy. Sabi nito,


“This is also the way I want to call the wife of my son. Your good heart Ms. @rosabvilmasantosrecto shows how you treat your in-laws and I believe in all the people around you.”


Samantala, National Artist of the Philippines 2024 na ang tawag kay Vilma ng kanyang mga fans na nakita niya sa airport yata ‘yun dahil nagbakasyon nga sila ng kanyang mga kapatid abroad.


Tinatanong ng mga fans kung makakaboto sila at kung paano bumoto dahil gusto nga nilang ma-nominate si Vilma at maiproklamang National Artist for Film and Broadcast Arts.


Siguradong maraming Vilmanians ang gustong malaman ang proseso kung paano makakaboto. Ang mga organisasyon bang nagsusulong para ma-nominate si Vilma ay katumbas na ng boto?

                                                                    

 

                                                     

MAY short promo si Roderick Paulate sa bagong comedy show ng TV5 na malapit nang magsimula. Mababasa ang post ni Dick sa kanyang Facebook (FB) page na “Da Pers Family TV5 Soon! Every Sunday, 7:15 pm. Pilot episode: July 21, 2024.”


Sa teaser na inilabas ng TV5, mukha ngang kuwela ang bagong comedy show na makakasama ni Dick ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach. Sa teaser, makikitang pinagkukumpara nina Dick at Aga ang mga gawa nilang pandesal at kanilang pinagtatalunan kung kaninong pandesal ang mas masarap.


Reunion nina Roderick at Aga ang Da Pers Family dahil una silang nagkasama sa That’s My Doc at Oki Doki Doc na parehong lumabas sa ABS-CBN. Kumbaga, gamay na nila ang isa’t isa at kung paano sila magtrabaho. 


Natuwa si Roderick nang malamang si Aga ang nag-request sa management na magkasama uli sila sa sitcom.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page