ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 16, 2024
Photo: Ken Chan - Instagram
Tila hindi nagustuhan ng dating business partner ni Ken Chan ang inilabas na statement ng aktor kaugnay ng isinampa sa kanyang syndicated estafa ng isang complainant na diumano ay nag-invest ng P14M sa tatlong branches ng itinayo nitong Cafe Claus Resto.
Sa kanyang Instagram Stories, ishinare ni Mark Wei ang naging pahayag ni Ken.
Sey niya, “Okay, wait, ako naman magsalita soon Lakas mangbaliktad. Hindi malulugi, kung sa negosyo napunta ang pera at hindi sa bulsa. LOL (laugh out loud).
“Why hide and seek, why may probable cause if nalugi. Hay showbiz nga naman."
Ayon kay Mark, ang lahat ng kanilang mga paratang ay may solidong legal na basehan at ebidensiya at hindi lang chismis.
“Hindi 'to kwentong kutchero lang po, kaya nga may warrant na ‘di ba?” diin pa nito.
Hinamon din ni Mark Wei si Ken na kung inosente talaga ito ay harapin na lang daw nila ang kaso sa korte at ‘wag magtago.
“Harapin mo na lang kami po, let’s put it in the proper forum sa court.”
Nagbanta pa si Mark na may mga karagdagang reklamo pang isasampa laban sa aktor, bukod pa sa kasong syndicated estafa na naisampa na rito.
“More filings are on the way,” aniya sa kanyang IG Story.
Huling mensahe ni Mark sa publiko, “Sa mga taong nagko-comment, sana ‘wag natin suportahan ‘yung mali. Hindi lahat ng matatamis na salita ay totoo.”
SAMANTALA, naniniwala kami na kapag ang isang tao ay nagtanim ng kabutihan sa kanyang kapwa o nagpakita ng magandang asal sa publiko ay marami pa ring susuporta kahit na puro negatibo ang ibinabalita tungkol sa kanya.
Maraming naniniwala, sumusuporta at nanalangin kay Ken Chan dahil wala sa ugali nito ang manloko base sa mga nabasa namin mula sa mga netizens na nagkomento sa post ng actor.
Ang ilan sa mga nabasa naming komento ng mga netizens at mga nakatrabaho niya sa GMA-7 ay ang mga sumusunod:
“We love you, Ken! Isasama ka namin sa prayers, fighting!”
“Kilala ka namin na marangal at mabuting tao. Walang salita o paninira ang magbabago sa paningin namin sa ‘yo. This too shall pass.”
“We love you, Ken. Laban lang! Kasama ka sa aming prayers.”
“We believe in you, Ken. The truth will set you free! Prayers here. Be brave.”
“I’ve known you to be a good person.”
Mula kay Direk Mark Reyes, “Which does not kill us, only makes us stronger! Keep fighting, Ken.”
Sabi ng actor na si Anthony Roquel, “If God is for you who can be against you.”
“I have known Ken Steven Chan for at least 5 years and I can vouch that he is a good, honest and kind person. Whatever went wrong with the businesses with some partners we really don’t know. It may just be losing money but for sure it didn’t go to Ken’s pockets. Nak, I have included you in my prayers. God bless you.”
“No man can put a good man down! God bless, Ken!”
Mabuting tao ang pagkakakilala ng production designer ng GMA-7 na si Potchi R. Manda sa actor, “Isa kang mabuting tao, Ken. I’ve known you for quite sometimes and I could tell na you are an honest and responsible person. Hindi lang naging maayos ang nakasama mo. I hope maiayos ng tama ang kasong isinasampa nila laban sa ‘yo. God will help you in every step of the way.”
“Tama, Ken. Harapin mo sila. ‘Di estafa ang nangyari, nalugi ang negosyo mo, kung saan sila kasama. Kailangan lang magpakita ka ng ebidensiya na talagang nalugi ang negosyo.”
Comments