top of page
Search

Kaya raw nag-away… BEA, KASING-BONGGA NG KASALANG DINGDONG-MARIAN NA P130 M ANG HIRIT KAY DOMINIC

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 28, 2024




Bago pa naganap ang hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, usap-usapan na sa showbiz na ang gustong kasal ni Bea ay bongga at mala-fairytale na abroad gagawin.


Ngunit taliwas ito sa gusto ni Dominic na simple, intimate at pampamilya lamang. 


Isa raw ito sa mga naging dahilan ng pagtatalo nina Bea at Dominic, dahil ang gusto talagang wedding ni Bea  ay kasinggarbo ng kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na umabot ng P133M ang ginastos.


Ganunpaman, ‘di ito ang pinaka-bonggacious na celebrity wedding kundi ang kina Pauleen Luna at Vic Sotto na P400M at ang kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na P500M ang ginastos dahil abroad ginawa. Kaya naman, ganu’ng kasal din ang pinangarap sana ni Bea Alonzo. 


Ang tanong ng marami ay kung may kasalan pa bang magaganap ngayon kina Bea at Dominic? Baka  palilipasin muna nila ang mga isyu at ililihim na sa publiko kung ano ang kaganapan sa kanilang pribadong buhay.

 

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page