top of page
Search
BULGAR

Kaya raw kay Leni, 'di sa ex-biyenan na si Ping… "IMPORTANTE SA AKIN ANG PAGIGING MATAPAT" — JODI

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 7, 2022



Naging lantaran na ang suporta ng Kapamilya actress na si Jodi Santamaria kina VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan at Chel Diokno na pare-parehong Kakampink at kumakandidatong pangulo, bise-presidente at senador sa Halalan 2022 sa Lunes, May 9.


Kung matatandaan, kamakailan lang ay may naging pahayag si Iwa Moto, live-in partner ni Pampi Lacson na anak ng presidentiable na si Panfilo "Ping" Lacson, na sana nga raw ay hindi na lang naging vocal si Jodi sa pagsuporta sa Kakampink bilang respeto sa 'ex-biyenan' nito.


Sa latest na pahayag ni Jodi, mukhang mabibigyang-linaw na si Iwa kung bakit mas pinili ng aktres na suportahan si VP Leni kesa sa former biyenan.


Sabi ng bida sa The Broken Marriage Vow, "This is what I stand for and many have known me to be... you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for.


"That's also the reason why I went out there to show people kung sino 'yung mga tao sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there's hope in pink.


"Kung ito ang magiging contribution ko, then I'm very much willing na suongin 'yung init, 'yung pagod, itong mga bagay na ginawa para sa Pilipinas," pahayag ni Jodi habang sinusuyod ang Brgy. Tumana, Marikina para sa house-to-house campaign kasama ang ilang Kakampink.


Giit ni Jodi, ang importante sa kanya ay kuwalipikasyon ng isang tumatakbong kandidato.


"Ako kasi, naniniwala ako na you are who you vote for and sila 'yung mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na napakaimportante sa akin bilang tao.


"Importante sa akin ang pagiging matapat. Importante sa akin ang pagiging hardworking. Importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila (Leni-Kiko) ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat," pagdidiin pa ni Jodi.


"Nakakatuwa, kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging suplado or hindi kami napansin, pero they're very open. They are very open to listen to what we have to say," pagtatapos ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page