top of page
Search
  • BULGAR

Kaya raw hiniwalayan ni Tom… CARLA, HIRAP NANG MAGKAANAK, MARAMI PANG SAKIT

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Sep. 24, 2024



Showbiz News

May katotohanan kaya ang espekulasyon ng mga Marites at Mosang sa showbiz na kaya hiniwalayan ni Tom Rodriguez si Carla Abellana ay dahil hirap itong magkaanak o baka nga imposible nang magkaanak at may mga sakit pang nararamdaman? 


Recently nga kasi ay umamin si Carla na sa edad daw na 37 ay nasa perimenopausal stage na siya at limang taon na raw siyang nagsa-suffer sa “hypothyroidism.”


Ang “perimenopausal” ayon sa isang health website ay ang nararanasang iregularidad sa pagdating ng buwanang dalaw bago ang tuluyang paghinto nito.


Well, hindi man naging successful ang marriage nina Carla at Tom, ang mahalaga ay happy na sila sa kani-kanilang buhay ngayon.


Ipagdasal na lang natin ang health condition ni Carla at malay natin, pagdating ng panahon ay magkabalikan pa rin sila ni Tom Rodriguez. 

Boom ganern! 


 

WALA talagang makakatalo sa ASAP dahil sa handog nitong free concert experience tampok ang kamangha-manghang performances mula kina Andrea Brillantes, Maki, KDLex (KD at Alexa), Moira Dela Torre, Morissette, Regine Velasquez, atbp. nu'ng Linggo (Setyembre 22), sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.


Bumilib kami sa biritan nina Regine at Morissette na kumanta ng rock anthems. Sina Maki at Moira naman ay may solo performances ng kanilang hit songs. 


At sina KD Estrada at Alexa Ilacad ay may nakakakilig na duet.


Nagbabagang dance number din ang hatid ni Andrea kasama ang iba pang Dance Sirens na sina Chie Filomeno and Anji Salvacion.


Hindi naman kumpleto ang isang concert kung wala ang natatanging Concert King Martin Nievera, na hatid ang kanyang greatest hits kasama ang mga OPM icons na sina Gary Valenciano, Regine, Ogie Alcasid, at Erik Santos.


Tampok din sa ASAP concert ang collab performance nina Gary, Erik, at Jona, ang fresh duet nina Ogie at Regine, ang nakakamanghang solo act mula kay Darren, at ang nakakabilib na biritan mula sa singing champions.


Kaya panoorin ang free concert experience tuwing Linggo sa ASAP, 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page