Kaya raw ‘di natuloy ang part 2 ng concert nila ni Gabby… SIGAW NI SHARON: ‘DI SA AKIN ANG PROBLEMA
- BULGAR
- Mar 14, 2024
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 14, 2024

Ini-repost ni Sharon Cuneta ang report ng ANC Digital tungkol sa interview sa asawang si Kiko Pangilinan sa pagpa-file nila ng cyber libel complain sa isang YouTube channel.
Hindi na nag-comment si Sharon sa report ng ANC Digital at hinayaan ang viewers na mag-comment at mag-react.
Karamihan sa mga comments ay suportado si Kiko sa ginawang pagsasampa ng kaso at may mga nagpasalamat pa nga sa kanya. Dapat daw noon pa siya nagdemanda at sinisi pa kung bakit matagal nanahimik.
May mga nag-comment pa na ‘wag siyang susuko at ituloy ang kaso hanggang may makulong.
And speaking of Sharon, sa interview niya sa event ng Insular Life, nabanggit na kung natuloy ang sequel ng Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion noong February 13 or 14, ang magiging title ay P.S. I Love You. Hindi ito natuloy dahil nagkaproblema sa negosasyon.
“The next show was supposed to be called P.S. I Love You. The repertoire was supposed to be much better than Dear Heart. It was a beautiful show, kasado na. Everyone was ready. And apparently, negotiation didn’t go through, hindi siya natuloy not because of us.
“I was so excited and ready to do it. Sayang, nanghihinayang ako, because I made so many of our fans happy and I want to continue to make them happy. I guess that’s it,” pahayag ni Sharon.
Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga fans nina Sharon at Gabby na matutuloy pa rin ang muli nilang pagsasama sa concert and they are willing to wait. Sana raw, mag-usap ulit sila at ang kani-kanilang team para maayos ang problema.
Balik-showbiz, Carla…
TOM, PINAGKAKAGULUHAN PA RIN NG FANS

Dahan-dahan ang pagbabalik sa acting ni Tom Rodriguez na nagpapaka-active na ulit sa showbiz. Noong isang araw, nag-taping siya para sa Magpakailanman at kabilang siya sa makakasama sa episode na A Mother to Remember.
Maganda sanang malaman kung ano ang naramdaman ni Tom, dahil this time, aarte na uli siya. Hindi muna siya kakanta, gaya ng ginawa niya sa All-Out Sundays at sa mga guesting niya sa local beauty pageant, pati sa mga fiesta.
In fairness, kahit saan magpunta at kumanta si Tom, pinagkakaguluhan siya.
May mga fans ang aktor na nagre-request sa GMA-7 na bigyan na siya ng series dahil nami-miss nila itong mapanood sa mga serye. Gusto nga nilang masama siya sa cast ng Pulang Araw at babagay daw siyang American soldier, dahil half-American naman siya.
O, ‘di ba, pati casting, pinasok na ng mga fans ni Tom?
Ganu’n din sa theater, babalikan ni Tom dahil gagawin niya ang Ibarra: The Musical at gagampanan ang role ni Ibarra na prodyus ng Tanghalang Una Obra ni Frannie Zamora.
Excited na rin si Tom na balikan ang teatro at ayon sa source, mangyayari ito sa second quarter ng 2024.
Of course, ang hinihintay ng kanyang mga fans ay ang great reveal ng special someone niya na idine-date niya ngayon. Kaya lang, natuto na raw siya at ayaw isapubliko ang identity ng girl.
Comentários