jasmine, nakapipigil ng kanser at diabetes, pampaganda rin ng reporductive health
ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 6, 2020
Ang Jasmine.
Ito ang nag-iisang bulaklak na ang sinisimbolo ay love, beauty at sensuality. Nasa bulaklak na Jasmine ang pagmamahal, kagandahan at malakas na karismang nakagagayuma.
Sa gabi, ang kanyang napakabangong amoy ay very powerful at umaabot pa ng mahigit- kumulang isandaang metro ang layo at naaamoy pa rin.
Maraming tawag sa Jasmine at isa na rito ay ang pagkilala sa kanya bilang “Queen of Flowers” dahil higit sa anumang bulaklak sa hardin, ang amoy nito ay nagbibigay ng mahimbing na tulog sa nag-aalaga ng mga bulaklak.
Walang nakaiiwas na hindi amuyin ang Jasmine kapag ito ay nakita, kaya sa lahat din ng mga bulaklak, ito ang palaging napipitas ng mga namamasyal sa hardin.
Sa India, ang Jasmine ay kinikilalang “Flower of Mystery and Magic.”
Ayon sa kasaysayan, naglalagay ng Jasmine scent ang kababaihan dahil sila ay naniniwala na kapag naamoy ng kalalakihan ang Jasmine, sila ay magagayuma.
May panahon na ang babaeng ikakasal ay pinagsusuot ng kuwintas na may mga bulaklak ng Jasmine para lalong ma-in love sa kanila ang kanilang pakakasalan.
Sadayang kakaiba ang Jasmine kaysa sa iba pang mga bulaklak dahil ang amoy nito ay pinakamalakas tuwing gabi, lalo na kung ang buwan ay nasa waning period o papaliit. Sa panahong ito, ang Jasmine ay nagbibigay ng napakalakas na amoy.
Ang pangalang Jasmine ay nagmula sa Persian word na “Yasmin”, na ang kahulugan ay “Gift of God.”
Kung ang pag-uusapan ay herbal medicine, ang tawag sa Jasmine na “Gift of God” ay okey na okey dahil sa mga sumusunod na sakit na kaya nitong lunasan:
Malaking tulong sa may cardiovascular problems
Nakapipigil sa kanser
Nagpapalakas ng immunity
Nilalabanan ang lagnat
Lunas sa constipation o paninigas ng dumi
Nakapipigil sa Type 2 Diabetes
Nilalabanan ang stress
Gamot sa dysmenorrhea at amenorrhea
Lunas sa insomnia
Pampaganda ng reproductive health
Gamot sa mga sugat at sakit na dulot nito
Ginagamit bilang eye wash solution
Panlaban sa shortness of breath
Gamot sa rayuma
Panunaw ng gallstones
Gamot sa oral health problems
Laban sa colitis
Gamot sa dengue
Panlaban sa pamamaga ng kidney
Pampalakas ng cognitive function
Masasabi talaga natin na ang Jasmine ay Gift of God sa sangkatauhan.
DAGDAG-KAALAMAN: Ang paraan na ginagamit sa panggagamot ay ang infusion. Ibig sabihin, ibababad ang dahon o bulaklak ng Jasmine sa mainit na tubig. Ang decoction naman ay ang pakukuluan ang dahon or bulaklak ng Jasmine.
Good luck!
Comments