ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 7, 2022
Naging emosyonal si Ara Mina sa katatapos lamang na meeting de avance ng kanyang mister na si Dave Almarinez, who’s running for congressman of San Pedro City, Laguna ngayong Halalan 2022.
Napaiyak ang aktres habang nagsasalita sa stage last Thursday night dahil na rin sa mga ginagawa sa kanila ng mga kalaban.
“'Eto lang ang masasabi ko, kasi sobra na! Tama na! Tama na ang pang-aalipusta n’yo sa asawa ko!” ang naiiyak na sigaw ni Ara.
“Kahit ano'ng sabihin nila, walang katotohanan ‘yun! Pasensiya na, asawa ko. ‘Eto, galing sa puso ng isang asawa! Dahil nakikita ko bawat baba natin, nakikita ko ‘yung mga taong tinulungan mo,” umiiyak na niyang sabi.
Dagdag pa ng aktres ay nagugulat na lang daw siya kapag may lumalapit sa mister niyang mga tao na naiiyak dahil natulungan daw sila 10 or 15 years ago.
“Kaya ipaglalaban ko ang asawa ko!” sigaw pa niya.
Anyway, hindi na pala babalik si Ara sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil pinatay na ang karakter niya. After the elections, ang pagtutuunan naman niya ng pansin ay ang pagkakaroon nila ng baby ni Dave.
Biro nga niya, naghahabol na rin siya sa oras dahil hindi na siya bumabata at malaki na rin naman ang panganay niyang si Amanda na anak niya sa dating karelasyong si Patrick Meneses.
Comentários