ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 29, 2024
Hala! May shippers pa rin pala sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.
Kinilig sila na ginamit ni Heart na background song ang kanta ni Jericho na Pusong Ligaw sa pagrampa ng aktres sa Paris Fashion Week (PFW).
Suot ang Schiaparelli gown sa pag-attend sa Schiaparelli fashion show, rumampa at umikut-ikot si Heart.
Napa-comment si Jericho ng “Hahahahahaha (clap emoji)” at sapat na ‘yun para makakuha ng 229 replies na karamihan, kinilig. Napa-throwback ang mga fans sa time na couple pa sina Heart at Jericho at inakala ng lahat na sila ang may forever.
Ilan sa mga comments:
“Pinagalaw na ang baso.”
“Kilig!”
“OMG (oh, my God). Puwede pa po bang kiligin.”
“Masayang-masaya ang mga dugo namin.”
“I am so happy right now.”
“Juice ko, Lord, tabang,” at iba pang nakakatawang reactions.
Well, wala pang sagot si Heart sa reaction ni Jericho. Pero lalong matutuwa ang mga fans at madaragdagan ang kikiligin kung sinagot ni Heart ang comment nito.
Dahil dito, may mga requests na sana ay gumawa ng movie ang ex-couple at papayag naman daw tiyak si Senate President Chiz Escudero.
Saka friends na sina Heart at Jericho, nagkakasama sila kapag may get-together kasama ang iba pang close kina Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto. Nagtatabi pa nga sila sa mga photos, kaya posibleng mangyari ang request ng mga fans.
And speaking of Heart Evangelista, ang sikreto pala nito kaya okay lang rumampa na see-through ang suot na gown o anuman ang isuot na see-through ay nilalagyan ng foundation ang kanyang nipples, para raw hindi makita ang color kahit bakat sa suot.
HINDI pa rin napapagod maging public servant at maglingkod sa taumbayan si Sen. Lito Lapid dahil magsi-seek siya ng re-election at muli siyang tatakbong senador sa midterm elections sa 2025.
Kaya abangan natin ang pagpa-file niya ng candidacy sa October.
Noon ngang September 26, kabilang ang senador sa mga inendorso ni President Bongbong Marcos (PBBM) na official candidate sa pagka-senador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Ginawa ang endorsement ni PBBM sa 12 senatorial candidates sa Philippine International Convention Center (PICC).
In fairness kay Sen. Lito, nananatili siya sa mataas na ranking sa mga surveys at nagpapasalamat siya sa mga sumusuporta at bumoboto sa kanya.
Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa endorsement ni PBBM, patunay na malaki ang tiwala sa kanya ng pangulo.
Aminado si Sen. Lito na malaki ang naitutulong ng Batang Quiapo (BQ) tuwing kumakandidato siya. Ang lakas ng recall sa tao ng role at karakter niya sa series ni Coco Martin bilang ‘Supremo.’ Ito nga agad ang itinatawag sa kanya kapag umiikot sa iba’t ibang parte ng bansa para mamahagi ng tulong.
Una nang in-unfollow ng BFF…
YASSI, IN-UNFOLLOW NA RIN SI NADINE
NAUUSO ang pag-unfollow sa mga celebrities at ang latest na nag-unfollow ay si Yassi Pressman. Ang in-unfollow nito ay si Nadine Lustre na nauna nang nag-unfollow sa kanya.
Kabilang si Yassi sa limang katao na in-unfollow ni Nadine na kinabibilangan din ng sister nitong si Issa Pressman, James Reid, Jeffrey Oh, atbp..
Actually, walang isyu kina Yassi at Nadine at friends ang dalawa, kaya lang, sister ni Yassi si Issa na girlfriend ni James.
Prerogative ni Nadine kung sino ang gustong i-unfollow at ganu'n din si Yassi. Pero, ang sabi, nananatiling naka-follow kay Nadine sa Instagram (IG) sina Issa at James.
MAY concert sa Singapore si Regine Velasquez na gaganapin sa October 26, 2024 sa Singapore Expo Hall at for sale na ang tiket.
Excited na ang mga Pinoy na nasa Singapore na hindi makauwi para manood ng kanyang concert, may chance na raw silang manood ngayon.
Pero, bago ang concert sa Singapore, sa Gabay Guro event happening today, September 29 muna kakanta si Regine. Mga guro na dadalo sa National Teachers’ Month at World Teachers Day sa Meralco Theater ang kanyang mga audience.
Pinuri si Regine ni Ms. Chaye Cabal-Revilla, chairperson ng Gabay Guro dahil 17 years na siyang nagpe-perform, wala siyang absent at Hall of Famer na raw ito. Libre ang talent fee (TF) nito at ang iba pang performers, hosts at guests.
Ang sabi lang ni Regine Velasquez kung bakit lagi siyang may oras sa Gabay Guro, “Masayang makasama ang mga naghuhulma sa mga kabataan natin. It’s very inspiring and fulfilling for me.”
Sa October 6, 2024, gaganapin naman ang Gabay Guro Wellness Fest sa Ynares Sports Arena sa Shaw Boulevard. Magsu-zumba ang mga guro at marami pa silang activities sa buong araw.
コメント