ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 30, 2025
Hindi na nakatiis ang dating BFF (best friend forever) ni Kathryn Bernardo na si Trina Uytingco sa mga pamba-bash sa kanya ng mga netizens. Kaya naman may post siya sa X (dating Twitter) ng kanyang saloobin.
Post ni Trina sa X kahapon, “Please stop leaving hateful messages and comments targeting my character. Please have some decency and respect before you comment on peoples’ personal lives (which you all know nothing about).”
Ilang araw nang pinag-uusapan sa X ang biglang “pag-disappear” sa buhay ni Kathryn ni Trina, unlike before na laging nakikitang magkasama ang dating magkaibigan. At nitong nakaraang kaarawan ni Kathryn, ‘di raw binati ni Trina ang kanyang BFF.
Sey ng mga netizens:
“I trust that you and Kathryn will always remain the best of friends and stronger than ever. These hateful messages come from people who are unhappy and full of discontent in their lives. All is well!”
“Lods (idol), mahal kita. Sana maging okey pa rin kayo ni Kath sa kabila ng pinagdadaanan n’yong magkaibigan ngayon. Please sana kung ano man ‘yung naging problem n’yo.”
“Leave them alone, ‘yung mga fans na walang respeto kahit saan na lang nag-comment. Gumawa kayo ng GC n’yo, du’n kayo mag-Marites.”
Lagi raw nawawalan ng kaibigan si Kathryn.
“Kathryn is always losing friends.. why kaya? May friendship issue na naman pala siya with Trina na long time friend n’ya noon.”
Walang malinaw na dahilan kung bakit nagkaroon diumano ng gap sina Kathryn at Trina. Pero kung babasahin ang mga naka-post na comments sa X, ay mahihinuhang may kinalaman ang nababalitang boyfriend daw ni Kathryn ngayon na si Lucena City
Mayor Mark Alcala.
Sey pa ng ibang fans:
“We are with you, Trina!!! (teary-eyed emoji).”
“Kathryn Bernardo is THE RED FLAG (red flag emoji).”
“Bakit red flag? Dahil hindi pinili ang idol n’yo?”
“Sa mga fanney ni @bernardokath, ‘di naman kasalanan ni @trinaguytingco na (red flag emoji) enjoyer ‘yung idol n’yo. Na mas pinili n’ya ‘yung CHEATER/TRAPO over sa friendship nila.”
“Beh, ikaw na ang mag-debunk kung totoo ba ‘yung kay Mayor at Kathryn. Hindi ma-debunk nu’ng nanay, eh, sabi lang single si Kathryn. Natural, pero nagde-date, kaya nga may manliligaw, eh. Alangan namang tinitignan lang.”
“After this, kung basted man o sagutin ni Kath ‘yung (red flag emoji) na ‘yun.. markado ka, Trina sa ‘kin. Ikaw nga mas pinili mo dyowa mo over friendship tapos si Kath, ‘di puwede?”
“Her allegedly ending friendship with Trina just to be with #that man (crying emoji) can’t defend her anymore.”
“Hayaan n’yo muna si Kath, mga Mhie. Ibigay n’yo na sa kanya ‘yan. Seven years old pa lang nagwo-work na si accla. Twenty-two years n’ya na tayong pinapasaya. Sabi n’ya nga ‘di ba? Let her experience PAIN. Kung du’n s’ya matututo at mag-grow, just LET HER. That’s her life and her life alone. Dedma na muna kay Tita Min… (crying emoji).”
BUMALIK na ulit sa Amerika ang award-winning actress na si Hilda Koronel. Lumipad siya paalis ng Pilipinas noong Thursday night.
Pero bago siya umalis, nagpaalam siya sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at fans via her Instagram (IG) account.
Sey ni Hilda sa kanyang IG post, “Goodbye for now, Manila. To all my family, friends, and fans– maraming salamat (heart emoji).
“To my SISA FAMILY- thank you so much! (red heart emoji).”
Bago umalis ng Pilipinas, tinapos talaga ni Hilda ang lahat ng eksena niya sa kanyang comeback movie, ang historical-thriller na Sisa, sa direksiyon ni Jun Lana at produced by IdeaFirst.
Actually, na-extend nang na-extend ang pag-stay ni Hilda sa Pilipinas. Nagkaroon kasi ng aberya sa set ng Sisa.
Ikinuwento ng kaibigan ni Hilda sa IG ng aktres at ni Cathy Babao ang nangyari sa set.
Caption ni Cathy sa IG post niya, “Filming proved grueling, especially under the oppressive heat of Tarlac, where the production had relocated after the original Tanay set was washed away by heavy rains. The scorching sun, the dust swirling through the air, the layers of prosthetics and period costumes-it all took a toll.
“Imagine the make-up, the heavy costume, and the wig under that heat! Add to that the dust kicked up by the wind. She would often fall ill from vertigo.
“Some of the most demanding days began at midnight, with a 1 AM departure for the set, followed by two hours of prosthetics and makeup. Our first shot had to catch the sunrise. The shot was stunning, but imagine climbing the hill in full costume at 4 AM? But it was worth it.”
On another separate IG post of Hilda, proud na idinispley ng aktres ang luggage na ibinigay sa kanya ni Bea Alonzo.
Nagkasama sina Hilda at Bea sa The Mistress (TM), na huling movie ng veteran actress bago siya namalagi sa US.
Ipinalabas ang TM 13 years ago, kung saan nakasama nina Hilda at Bea si John Lloyd Cruz at ang yumaong si Ronaldo Valdez.
Comments