ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 31, 2020
Ang cactus.
May usung-uso ngayon na hobby ng maraming Pinoy at ito ay ang pag-aalaga ng cactus. Kitang-kita ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa cactus dahil mas dumarami pa ang nag-aalaga nito.
Sabi nga, trending ang cactus kung ang pag-uusapan ay kung ano ang halamang pinagkakaabalahan ngayon ng maraming Pinoy. Ang nakatutuwa ay hindi lang isang cactus ang alaga kundi marami nito ang makikita sa mga bahay at bakuran.
Sa lahat yata ng halaman ngayon, super-espesyal ang cactus dahil ginagawan pa ito ng magandang paglalagyan, tray o rack at ang iba ay gumagastos ng malaking halaga para sa paglalagyan ng kanilang mga cactus. At hindi lang yan, ang mga paso ay super-espesyal din at mga pasadya pa kaya ginagastusan din.
Sobrang nakakabighani ang cactus, pero lalo mo itong mamahalin kapag nalaman mong ito ay hindi isang simpleng halaman dahil ito ay powerful herbal medicine rin.
Sa mga sinaunang sibilisasyon, ang cactus ay ginagamit bilang gamot sa mga sugat dahil kaya nitong pagalingin nang mabilis ang mga sugat.
Ang mismong cactus na malambot ang laman o katawan ay gamot sa gastric. Bukod sa mabilis gumaling, nawawala rin ang sakit na sanhi ng ulcer. Ito ay makukuha sa pagkain mismo ng nasabing bahagi ng cactus. Puwede ring ilagay ang katawan o laman na parang dahon na malapad at inumin ang pinaglagaan.
Ang bulaklak na binabad sa tubig ay mahusay na panlaban sa prostate cancer at iba pang sakit sa pag-ihi.
Malaki rin ang nagagawa ng cactus para hadlangan ang ovarian cancer. Napakagaling din ng cactus na labanan ang mga virus tulad ng herpes, HIV-1 at influenza virus. Gayundin, malaki ang naitutulong ng cactus para mga may diabetes.
Ang isa sa malaking tulong ng cactus sa mga tao ay ang kakayahan nitong patagalin ang pagtanda ng tao sa pamamagitan ng pagiging muling pagbata ng skin. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng regular na pagpahid ng mismong cactus sa balat ng tao.
Napigilan din ng cactus ang maagang pagka-kalbo at nagagawa nito na muling patubuin ang mga buhok sa ulo.
Narito ang ilang mahahalagang sustansiya na makukuha sa cactus:
Ash
Pectin
Vitamin C
β-carotene
Calcium
Magnesium
Sodium
Potassium
Phosphorus
Iron
DAGDAG-KAALAMAN: Ang pag-inom ng isang kutsara ng katas ng cactus bago matulong ay epektibo upang magkaroon ng masarap at mahimbing na tulog.
Good luck!
תגובות