ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 14, 2024
Photo: Heart Evangelista, Pia Wurtzbach - Instagram
Hindi talaga maiiwasang magkabanggaan o magkasagutan sa socmed (social media) sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
Silang dalawa kasi ang laman lagi ng mga fashion events news o updates na naka-anchor sa mga kilalang brands ng damit, sapatos, makeup at iba pang may kinalaman sa fashion world.
Tsika sa amin ng ilang mga friends sa circuit na ito, parang sinasadya na raw ng mga ‘brands’ na lagi silang pagsabungin sa mga international exposures nila dahil marami nga raw Pinoy here and abroad ang masyadong invested sa kanila.
Libreng publicity na nga raw ang nakukuha ng mga brands mereseng negative o positive man ‘yan, lalo’t among the world’s most influential fashion icons sina Pia at Heart.
Kapag meron daw kasing mga ‘paandarang news o updates’ sa kanila, nakakarating daw ‘yun sa mga brands o sa mga nag-i-invite sa kanilang fashion event sa New York man o Paris at ikinatutuwa umano ‘yun ng mga socmed savvy.
Hahaha! Kahit paulit-ulit pa raw ang mga balita.
“No choice but to fulfill and meet our obligations,” sey ng isa sa mga closest friends namin sa showbiz na si Direk Albert Martinez.
Lumalagare kasi si Albert sa kanyang mga shooting sked sa bagong show nila ni retired General Rhodel Sermonia (GenRos) na Wonderful Pinas (WP).
Isa itong promotional show na nagso-showcase ng lahat ng ‘wonderful’ sa Pilipinas via travel, food, culture, people, tourism, traditions, etc., na ipinrodyus nila para sa UNTV na umeere every Sunday, 9 AM, at nag-pilot na nga kahapon (Oct. 13).
Nang mag-decide kasi na mag-lay low na sa kanyang mga showbiz commitments si Albert, itong Wonderful Pinas ang kanyang nais gawing priority.
Sa itinagal-tagal kasi sa showbiz ni Albert, marami na raw siyang nakilala, napuntahan at natikmang mga pagkain na nais niyang i-share ang pinanggalingan at saan ito matatagpuan sa bansa. ‘Yung ibang travel shows kasi, puro ganda lang daw ang ipinapakita, kaya’t ‘yung aspetong ‘swak’ sa budget at secured bang dayuhin, plus other educational and informational benefits, ang target din nilang i-highlight sa WP.
Si GenRos ang may adbokasiya sa safety and security habang si Direk Albert ang sa budget at cost efficiency at kasama pa sina Alvin Anson, Dennis Coronel Macalintal at Michelle Gumabao bilang mga guest co-hosts bitbit naman ang kanilang mga advocacies on tourism, sports, etc..
“I decided kasi na mga advocacy projects na lang ang gagawin ko until Lavender Fields got into my lap and I could not say no to such a great project. Kaya ‘yun, naipit na sa mga iskedyul and I got no choice but to be in both projects.
“Kaya nga nangyayari ‘yung after ng taping ko sa Lavender, sasakay na ‘ko ng eroplano to do shoot for Wonderful Pinas, with only an hour or two of sleep,” kuwento pa ng dedicated at magaling na aktor.
“Hosting is never naman alien to me but in this show, I got to deal with people and places na talagang kahit sinong Pinoy ay makaka-relate. I have been to many areas in Mindanao at talaga namang maiinlab ka sa mga lugar. ‘Yung notion na nakakatakot, tatanggalin namin ‘yun. I went to Basilan and oh my, really amazing.
“Indeed, one of the best places that I have been sa tanang buhay ko. ‘Di ba ‘pag sinabing Mindanao o Basilan, ‘yung takot agad ang maiisip mo, it’s not true. Wala man lang kaming naramdamang takot o kaba when we set foot there,” sey pa ni Albert.
Napaka-interesting ng show na ito nina GenRos at Albert Martinez. In fact, after nilang magalugad ang mga lugar na never pang nai-feature sa ibang travel shows, dadayuhin naman nila ang ibang bansa para sa mga OFWs natin.
Comments