ni Julie Bonifacio @Winner | November 10, 2023
Ginulantang ni Vice Ganda at ng kanyang team sa Magpasikat 2023 ng It’s Showtime ang madlang pipol sa surprise appearance ng dating host ng Kapamilya noontime show na si Billy Crawford.
Nagbalik muli sa stage ng It’s Showtime ang isa sa mga original hosts ng programa na si Billy kasama ang kanyang misis na si Coleen Garcia, na dati ring kasama sa Kapamilya noontime show, at ang anak nila na si Amari.
Ini-reveal ni Vice na matagal na silang nagkabati ni Billy bago pa man ang muling pag-apir nito sa show kahapon.
Pagbubulgar ni Meme, “Lingid sa kaalaman n'yo, okay na okay na kami ni Billy. Nagte-text kami pero hindi namin ito napag-uusapan.
“Pero kahapon, ‘yung concept nina Anne (Curtis) na healing, bigla kong naisip na maganda ‘yun kung hindi lang natin sinasabi ‘yung salitang healing kung hindi ipinaparamdam din natin.
“Hindi lang siya sinasabi, kailangan, ginagawa at sinisimulan.
“Billy’s presence here today and the madlang people knowing na we are okay, baka mag-inspire sa inyo ito na mag-heal din.
“Baka it’s about time rin na makipag-reconcile sa mga taong mahal n'yo. Kasi si Billy is one very important person sa buhay ko.”
Tsika pa ni Vice, best friend ang turing niya kay Billy at mahal na mahal niya ang dating host ng It’s Showtime.
“Regalo natin ito sa madlang people, na makita nila tayong magkakasama ulit,” say ni Vice.
Supposedly, may taping daw si Billy ng The Voice.
“(Pero) Siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya. Kasi sabi niya, utang niya ito sa madlang people and gusto niya talaga kayong makita…and we super appreciate it.”
At the same time, nag-sorry si Billy kay Vice at sa madlang pipol.
“On my end, I want to say I am sorry. I am sorry, madlang people, I am sorry, Kapamilya,” emosyonal na sabi ni Billy.
“Nagpapakumbaba lang ako na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya, at kasama na rin po kayo doon, madlang people.
“So thank you, everyone, for the support and love amidst sa lahat ng nangyari. But I just want to say, Vice, I love you,” ani pa ni Billy.
Aminado si Billy na malaki ang utang na loob niya sa It’s Showtime. Sa show niya nakilala si Coleen hanggang sa ikinasal sila.
Paliwanag pa ni Billy, “Para sa akin, it doesn’t really matter kung saan ka. Ang importante kasi, ito, lahat dito ay iisa lang naman – puro puso, mahal namin ang isa’t isa. Lahat ng pamilya ay nagkakaaway, nagkakalabuan. But at the end of the day, in God’s time, Siya na rin ang mag-aayos.”
Ang ama raw ni Billy ang humiling sa kanya na magkabati na sila ni Vice.
"Marami akong realizations these past months. Kababalik ko lang galing States at kakakita ko lang sa daddy ko.
“And hindi ko kasi alam kung hanggang kailan 'yung tatay ko sa mundong ito. Alam mo ba, ang bilin niya sa akin is mag-ayos tayo?
“Sa lahat ng mga hindi nakakakilala sa tatay ko, siya po ay Amerikano, hindi po marunong mag-Tagalog, pero alam niyang may hindi magandang pangyayari nang ilang taon.”
Nalolokah naman ang madlang pipol sa malalaki at madadramang sorpresa ng mga hosts sa kani-kanilang performance para sa Magpasikat 2023.
“Grabe 'tong Showtime! Araw-araw na akong umiiyak! Solid fan ako ng Showtime at talagang close na close sina Vice at Billy, bestie pa ang tawagan nila. Sa YouTube ni Vice, may video ru'n about kay Billy, nag- usap sila nu'ng umalis na si Billy sa Showtime. Ok naman sila, then 'yun, nagka-issue na after ilang years. Thank God, ok na sila.
“Also good for Coleen! Siya pala nagsabi na sana, magbati na sila nu'ng nagkita sila in person.
Maganda rin talaga sa wife na walang kakampihan kasi naging magkakasama rin naman sila nang matagal.”
“Grabe ‘to! Nakakaiyak! Buti Coleen was patient din with the situation. It will happen when it should happen.”
תגובות