ni Maricon Nolasco @MarisPluk |August 8, 2023

Nag-guest ang ex-boyfriend at padir ng anak ni Janella Salvador na si Marcus Paterson sa YouTube vlog ni Ogie Diaz. Dito ay buong-tapang niyang inamin na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay dahil hindi raw niya ipinaglaban ang kanilang relasyon.
Tinanong ni Ogie si Marcus kung ano ang naging rason sa breakup nila ni Janella. Ang sagot nito, "It simply wasn't perfect. Actually, perfect nu'ng nasa UK pa kami. Pero nu'ng bumalik na kami rito sa Pilipinas, parang COVID nu'ng time na 'yun at delikado, pero kailangan naming mag-work."
Bukod sa binanggit nito, nagkaroon din daw sila ni Janella ng maraming realizations.
Tulad ng kailangan pala nila ng katulong at nagkapatung-patong na rin daw ang mga problema, kaya dumating na sa puntong 'di na sila nag-uusap pa.
Doon ay nagdesisyon silang dalawa na mag-break muna at tingnan kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Inamin din ni Marcus na may isang bagay siyang ginagawa na pinakainaayawan ni Janella at ito nga ay ang pagwo-walkout niya sa tuwing may 'di sila pagkakaunawaan.
"Yeah, ganu'n ako. At 'yan ang pinaka-hate ni Jea (nickname ni Janella) saka, duwag din ako.
Ayaw kong humarap sa problema at 'yan ang ayaw kong maulit sa next (partner ko)," paliwanag ng aktor.
Kahit na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Janella ay nananatili naman silang magkaibigan at maayos ang co-parenting setup nila para sa kanilang only son na si Jude.
Kaya, naitanong ni Ogie kung hindi ba nami-miss ni Marcus ang pag-aasikaso sa kanya ni Janella sa tuwing umuuwi siya sa bahay galing sa trabaho.
Ang sagot ng aktor, "Nakaka-miss din na may naghihintay sa 'yo sa bahay, lalo na when you wake up, tell her how was your day, tell her what's your dream."
Aminado si Marus na hindi siya sanay na maging single sa loob ng mahabang pahanon, kaya nang mag-break sila ni Janella ay nagkaroon siya ng time para makapag-focus sa kanyang sarili at ma-realize ang mga pagkukulang at kamalian niya.
Dahil nga maraming ex-partners ang nagkakabalikan at binibigyan pa ng second chance ang kanilang pag-iibigan, tinanong ni Ogie si Marcus kung na-realize ba nitong mahal pa niya si Janella.
Mahirap daw sabihin na may pagmamahal pa ang ex-showbiz couple sa isa't isa dahil hindi naman na raw sila nagkikita.
"Hindi na kami nag-uusap tungkol sa amin, puro tungkol naman kay Jude. Araw-araw naman kaming magkausap but tungkol kay Jude."
Wish din ni Marcus na maging masaya si Janella, "Gusto ko ring maging masaya siya at mukhang masaya naman siya and busy siya sa work niya."
Hindi rin daw pumapasok sa isip niya na makipagbalikan kay Janella.
"Hindi na pumapasok sa isip ko na, 'Do you wanna get back to her?' It's not a priority right now at mas focus kami kay Jude."
Comments