top of page
Search
  • BULGAR

Kaya mo ‘yun, Pia? P1M, HOTEL ROOM NI HEART SA PARIS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 22, 2024



Showbiz News

Hindi maubus-ubos ang mga kuwento ng kasosyalan ni Heart Evangelista na kinaaaliwan ng marami. 


Kakaiba ang paggamit niya ng Hermes bowl worth P15 thousand na pinaglagyan lang ng ulam niyang monggo. 


Meron din siyang mamahaling lollipop holder na worth P34,000.

Ang latest post niya sa Instagram (IG) ay ang kanyang pagtira sa Century-old hotel sa

Paris na tinutuluyan din ng mga sikat na Hollywood celebrities.


Ito ang Le Meurice Hotel sa Paris na may 121 rooms, 39 suites, 2 restaurants, isang bar, pastry shop, at spa. 


Ang rate ng Deluxe room base sa current exchange ah P119,791 kada araw habang ang pinakamahal na Presidential Apartment with a park view ay nagkakahalaga ng kulang P1M o  P912,399 per day.


Kaya naman bongga at sosyal ang lifestyle ni Heart Evangelista at agaw-pansin kapag rumarampa sa Paris Fashion Week. 


Ang tanong ngayon ng mga netizens, kaya rin kaya ni Pia Wurtzbach na tapatan ang kasosyalan ni Heart Evangelista?

 

BALITANG-BALITA na ngayon sa socmed na parehong kakandidato sina Luis Manzano at Ryan Recto sa balwarte ng kanilang mom na si Vilma Santos. 


Sabi ng mga netizens, sure win na sina Luis at Ryan dahil popular sila sa Batangas. 


Si Ryan, bata pa ay kasama na sa mga charity projects noong mayor pa lang ng Lipa ang kanyang Mommy Vi. Kilalang-kilala na siya sa bayan ng Lipa. Masang-masa ang porma ni Ryan at may karisma sa tao. Minana nila ni Luis ang pagiging friendly at down-to-earth ng Star for All Seasons. 


Well, nauna nang naibalita na babalik sa pulitika si Vilma, at ngayon, sasama rin ang mga anak niyang sina Luis at Ryan Christian. 


Wala pang binabanggit na posisyon, pero tiyak na ikakampanya sila ni Ate Vi at ng mga diehard at loyal Vilmanians ng Batangas.


 

MARAMI na ang nagtatanong at nag-aabang sa magiging birthday celebration ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa darating na Sept. 25. Siya ay turning 58 years old. 

Last year, bonggang-bongga ang kanyang birthday party na ginanap sa Okada Manila. Dinaluhan ito ng mga kaibigang senador tulad nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robin Padilla, Sen. Chiz Escudero, Sen. Grace Poe, Sen. Bato dela Rosa, atbp..

Naroon din ang kanyang pamilya, media friends, at non-showbiz friends. 

Sa tuwing sumasapit ang kaarawan ni Sen. Bong, bahagi ng kanyang celebration ang bloodletting project, at ngayon ay ginawa niya ito sa QC sa pakikipagtulungan ni Mayor Joy Belmonte. 

Wala pang tiyak na kaganapan sa mismong kaarawan ni Sen. Bong dahil may launching ng Bagong Pilipinas at last day ng session ng Senate. Maaaring magkaroon lang siya ng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya.

Anyway, tuluy-tuloy pa rin si Sen. Bong sa pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng sunog, baha at iba pang kalamidad.

May nagbiro namang media friends kay Sen. Bong Revilla, Jr. kung magpapa-early Christmas party sa press tulad ng ginawa nina Cong. Arjo Atayde at Cong. Sam Verzosa ng Tutok to Win Partylist.


 

May bagong tahanan ang lifestyle at travel show na I Heart PH hosted by Valerie Tan. 

Ang layunin ng show ay i-promote ang pagmamahal at pagbibigay-halaga sa ating bansa at tumulong sa tourism campaign na “Love The Philippines”. 


Ayon sa TV8 Media Business Unit Head na si Vanessa Verzosa, marami silang puwedeng itampok sa bawat episode ng I Heart PH. Lilibutin nila ang magagandang tourist spots na hindi pa nakikita at napupuntahan ng iba. 


Sa bagong season ng I Heart PH, magtatampok sila ng mga inspiring stories. 

Excited naman ang host ng show na si Valerie Tan dahil marami na naman siyang bagong destinasyong mapupuntahan sa bansa. D

ati siyang host ng programang May Trabaho Ka (MTK) na ipinalabas noon sa GTV.


Nagpapasalamat siya sa GMA Network dahil ito ang nagbigay sa kanya ng oportunidad upang makuha ang kanyang dream job at mahasa sa hosting skills.

Seventeen (17) taon na siyang nagho-host ng iba’t ibang shows. Ang I Heart PH ay nagbigay din kay Valerie Tan ng chance na maikot ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ibang experience rin ang pagpunta nila sa Bohol na kilala sa atraksiyon ng Chocolate Hills. 


Ang I Heart PH ay tumatalakay din sa Pinoy lifestyle. Sa bagong season ng show, itatampok ang basic necessities ng mga Pinoy, tulad ng pagkakaroon ng sariling bahay. May mga architects silang magbibigay ng tips sa mga viewers na gustong magpatayo ng sariling bahay o may balak na magpa-renovate. 

Ang I Heart PH ay mapapanood na bukas sa GMA-7, 10 AM.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page