Julie Bonifacio - @Winner | April 19, 2021
Nagpakawala muli ng kanyang saloobin ang aktor na si Albie Casiño sa paraan ng pag-handle ng ating gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa muling pagdeklara ng mahigpit na lockdown last March 27, nag-viral si Albie dahil sa Instagram post niya with watching message ng pagbati sa lahat ng bumoto noong 2016 sa current administration.
"My face when they said ECQ season 2. Congrats to everyone who voted nu’ng 2016, sana natutuwa kayo ngayon. Vote wisely sa 2022 #ECQ," caption niya sa kanyang piktyur habang nakakunot-noo.
Marami ang humanga sa tapang ni Albie na maglabas ng ganitong statement sa social media. But at the same time, dinagsa rin ng bashing ang IG post ng aktor.
Hindi naman sila inurungan ni Albie at ni-reply-an ang iba sa kanila at isa sa mga ito na talagang nag-viral ay ang: "Imma hit you with some knowledge so try to understand if you can. They obviously don’t control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are literally the [WORST] COVID RESPONSE IN THE WORLD). Our neighboring countries should be used as a measuring point, look at them and compare to us.
"Now alam kong bobo ka kasi DDs ka but if you still don’t get it after this, wala ka nang pag-asa, please don’t breed.”
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang matatapang na sagutan ng mga netizens sa IG post and replies ni Albie last March 27.
Until recently, natanong si Albie sa isang interbyu during the promo ng latest show niya sa ABS-CBN, ang Init sa Magdamag, kung ano ang masasabi niya sa mga artista na tulad niya ay hayagang naglalabas ng kanilang opinyon against the government on handling the crisis sa ating bansa.
"I can only answer for myself," lahad ni Albie.
"For me, I pay taxes. Kapag dumarating ang tseke ko, nakikita ko kung ano 'yung mga kaltas, 'di ba? So, I feel I have a right to voice-out my opinion, 'di ba? ‘Yun lang. That's where my taxes go."
Disappointed daw talaga si Albie sa kasalukuyang lagay ng bansa.
Saad pa ng aktor, "Nakikita ko kung how much 'yung taxes ko. Tapos, nakikita ko ‘yung respond on… eh. Sino'ng hindi magagalit, 'di ba?"
Nilinaw din ni Albie na hindi naman daw siya galit sa gobyerno.
"I'm not mad at the government. I'm just mad about on how they're handling things, yeah," sabi pa ni Albie.
Comments