top of page
Search
BULGAR

Kaya kahit walang show, super rich na… LUIS, MAS MABENTANG ENDORSER KESA KAY BILLY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 17, 2021



Parehong in demand sa telebisyon ang mag-BFF na sina Luis Manzano at Billy Crawford.


Bihasang-bihasa na silang mag-host ng mga game shows at reality shows. Master na master na nila ang pagho-host.


Kaya naman, sa kanila lagi ipinagkakatiwala ang mga game shows at talent search shows.


Si Billy, dala-dalawa ang hawak na shows sa TV5, ang noontime show na Lunch Out Loud (LOL) at ang weekly game show na The Wall Philippines.


Si Luis naman, bagama't wala pang bagong show sa ABS-CBN ay malaki pa rin ang kinikita dahil sa kanyang pagiging product endorser.


Marami ang nagsasabing di hamak na mas malaki ang kinikita ni Luis kumpara kay Billy. Mabentang-mabenta kasi si Luis sa mga advertisers. Malalaki ang mga produktong ini-endorse niya. At minsan, kasama pa niya sa commercial ang kanyang dad na si Edu Manzano.


Milyones ang talent fee ni Luis sa kanyang mga product endorsements. Kaya, kahit wala siyang regular show ngayon ay malaki ang pumapasok sa kanyang kita. Nakakapagpundar at nakakapag-invest siya sa mga negosyo.


Matatag na matatag na ang future ni Manzano kaya kering-keri na niyang buhayin ang kanyang wifey na si Jessy Mendiola.


Ang pagiging funnyman ni Luis Manzano ang gusto ng mga advertisers kaya kinukuha siyang product endorser.


Sana, ganito rin ang maging hatak sa tao ni Billy Crawford para maitaguyod niya nang maayos ang kanyang pamilya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page