top of page
Search
BULGAR

Kaya 'di sineseryoso ang pagrampa tulad ni Heart… ANNE, MAY CAREER SA 'PINAS AT MAY ANAK NA INAASIKASO

ni Beth Gelena @Bulgary | Sep. 26, 2024



Showbiz News

Gusto ni Heart Evangelista na makita pa si Anne Curtis sa mga fashion events. Kering-keri naman kasi ng It’s Showtime (IS) TV host-actress ang rumampa sa runway.


Ayon kay Heart, gustung-gusto niyang kaibigan ang Kapamilya actress at makasama sa mga fashion shows.


Sey naman ng mga netizens, “It seems like everything and everyone in the fashion world is either superficial or artificial.”


“Uhmmm... kaya siguro hindi sineseryoso ni Anne ang pagmo-modelling.”


Dagdag pa ng iba, “It’s a business not a friendship.”


“In fairness, magaling talaga si Heart magdala ng damit. Artsy talaga si girl.”


“Si Anne, kahit yata sako ipasuot, madadala pa rin n’ya.”


“I agree, kaya nga niloloko na siya ni Vice na todo-effort s’ya, si Anne, nagsuot ng mukhang pambahay, mas maganda pa rin daw si Anne.”


“This is a true fashionista. Fun and light, ‘di pilit.”


“Two legit fashionista, ‘yung ‘di pilit. They can carry anything maski pa siguro dahon ng malunggay ang design.”


Sey naman ng mga bashers ni Heart, “H is so plastic!”


“True! Santa santita..”


“Mga galaw naman ni Heart, pare-pareho moves n’ya sa reels n’ya. Nakakaumay. Galaw, lakad, tingin, nakakasawa rin movement.”


Meron namang pinag-compare ang dalawa, “Anne cannot fully penetrate the world of fashion just like what Heart did, kasi may career s’ya rito. Okey na ‘yung pa-attend-attend lang si Anne paminsan-minsan para wala ring umay factor. And again, she is also an actress and a host. Plus, and the most important role of all, she’s a mom.”


 

Nag-react si Jackie Forster sa ‘special reveal’ post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Sa Instagram ng Kapuso actress ay picture nilang dalawa ang naka-post at may caption na: “Together with him. Special announcement.”


Palaisipan tuloy kung ano ang special announcement na tinutukoy ng rumored celebrity couple.


Marami ang na-excite at na-curious sa post ni Kyline kabilang na ang ina ni Kobe na si Jackie at kapatid na si Andre Paras na napa-comment pa. 


Sa kabila ng mga sweet photos ng dalawa ay wala pa silang inaamin sa tunay nilang relasyon.


Agad na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kanilang mga tagahanga ang posted announcement na ito. 


Komento ng mga netizens: 


“Wow, exciting part sweet couple 2024 congrats!”


May nagsasabing baka endorsement na magkasama sila.


Biro naman ng isang commenter, “Ready na ‘yung script ko kapag tinanong ni father na

‘May nais bang tumutol sa kasalang ito?’ EME (joke lang) Hahaha!”


“Sana engagement na.”


“Sa lahat nga ng nakapareha ni Kyline, showbiz man o personal, ‘tong si Kobe ang super ang lakas ng dating ng pagiging couple nila.”


“I agree.”

“OMG (Oh, my God)! Kilig na naman ang universe.”


Ano nga kaya ang announcement na ito? Aamin na kaya sila sa kanilang tunay na relasyon na obvious naman, 'noh?

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page