ni Ambet Nabus @Let's See | September 6, 2024
Ito talagang jowa ni Carlos Yulo ay hindi masaway, ano? Imbes kasing mamagitan sa gusot ng mga magulang ni Caloy at ng kanyang BF, heto siya at nagre-release pa ng mga statement na kesyo nagdududa itong hindi ang ama ng gymnast ang nag-post ng saloobin nito tungkol sa dapat na inihihingi ng tawad ni Caloy sa nanay niya, etc. etc.
Sa bago kasing tila ‘gusot’ ng Yulo family, may opinion o sagot na naman itong jowa ni Caloy.
May pagbuBULGAR pa itong “isinumpa” umano ng nanay ni Caloy ang atleta kaya’t parang malalim daw ang pinaghuhugutan ng sama ng loob nito.
Kumpara sa isa pang Olympian na si EJ Obiena na napanood namin ang panayam kay Kuya Boy Abunda sa Fast Talk (FT), sobrang layo ng maturity, wisdom, intellect, at emotional being ni EJ kay Caloy (mas lalo naman kay Chloe San Jose). Napakahusay pang magsalita at magpaliwanag ni EJ na may sarili ngayong tatak at brand ng kahusayan kahit hindi siya nakakuha ng ginto sa Olympics.
In short, nagma-matter talaga ang pagiging disente at edukado na kitang-kita nga sa isang EJ Obiena na tila kinapos o hindi naibigay ni Chloe San Jose kay Carlos Yulo. Aguy!
Ibinuking ng mga GMA News staff…
MEL, LUKA-LUKA, IYA LAGING NASASAMPULAN
TAWANG-TAWA ang mga kausap namin na mga staff ng GMA News and Current Affairs dahil sa kuwento ni Mel Tiangco.
“Naku, luka-luka rin ang tita natin. Ibang klase rin kapag bumangka sa kuwentuhan,” sey ng aming kausap.
Mula raw sa nauusong viral dance ng Maybe This Time, hanggang sa mga kaluka-lukahan nitong reaksiyon sa “Shimenet” item, mistula raw stand-up comedienne ang pamosong host-anchor sa pakikipagtsikahan.
Pero ang talagang ikinaaliw ng mga nakikinig kay Ma’am Mel ay ‘yung reaksiyon nito sa muling pagbubuntis ni Iya Villania na kasama niya sa 24-Oras news program.
Inianunsiyo kasi uli ni Iya na ipinagbubuntis niya ang ika-limang anak nila ni Drew Arellano.
Kahit pa nga “on-air”, talagang tinutuksu-tukso ni Ma’am Mel ang showbiz insider ng programa nila at napapailing na lang daw ito sa tila mala-kunehong “hilig” umano ng asawa ni Iya na si Drew pagdating sa loving-loving. Hahaha!
Well, normal na nga raw na biruan sa naturang programa ang mga ‘private jokes’ kaugnay ng laging pagbubuntis ni Iya Villania.
SAMANTALA, aprub na aprub naman sa mga taga-TV Patrol ang pagiging guest showbiz correspondent ni Jericho Rosales last Wednesday. Pinapurihan ang aktor sa husay nito sa pagde-deliver ng very cool, malinis at engaging na showbiz news items.
“Sana, mapadalas ka rito,” sey pa ni Karen Davila, na inaprubahan pa ng mga kasamahan nila, pati ng mga nasa likod ng kamera.
Kasalukuyang nasa number one pa rin ang Lavender Fields (LF) sa Netflix at mukhang kahit sa primetime slot nito sa Kapamilya channel.
Napapanood namin sa Netflix ang series at sumasang-ayon kami sa maraming nagsasabi na higit na naging mahusay na aktor si Echo, hindi kumupas o nangalawang man lang.
And yes, grabe ang intensity ng acting nila ni Jodi Sta. Maria, kasama sina Janine Gutierrez, Edu Manzano, Albert Martinez, Lotlot de Leon, at soon, ang paglabas ni Maricel Soriano.
Samantala, nakakatawa nga lang dahil sa katapat nitong series sa GMA-7 ay mapapanood naman sina Tonton Gutierrez at Jean Garcia na minsan nang naging mga “magulang” nina Jericho at Jodi Sta. Maria sa noo’y super hit na Pangako Sa ‘Yo (PS).
O, ‘di ba? Dati magkapatid sila sa serye, ngayon, magka-tandem na.
Ang buhay series nga naman. Hahaha!
Comments