top of page
Search

Kaya ‘di raw inimbita… SIGAW NI CHLOE: PAMILYA, WA’ EFFORT NA BATIIN SI CARLOS SA B-DAY

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb.19, 2025





Nakipagsagutan ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa mga netizens na nag-comment sa katatapos na birthday ng athlete. 


May nag-comment sa Facebook (FB) page ni Chloe na hindi talaga in-invite ni Caloy ang family niya sa kanyang birthday.


Sagot ni Chloe, “Why would you invite people to your birthday when they don’t even bother making an effort to greet and celebrate you? Kung gusto mo ‘yung mga ganu’ng bisita sa birthday mo, ikaw na lang, sis.”


Sa nag-comment pa na “Nagpakasaya ka pero ang magulang mo, ‘di mo pinapansin... happy???” ang sagot ni Chloe, “Yes sis, happy si Caloy, which makes y’all haters shake and your blood boil, lmao (laughing my ass off).


“Eh, ‘yung mga relatives n’ya kaya, naisip mo ba if pinapansin/pinansin and binati man lang si Caloy? The double standard.”


Comment tuloy ng mga netizens, hindi pa pala tapos ang isyu ni Caloy with his family at kung si Carlos ay tahimik, pati na rin ang pamilya nito, si Chloe naman ang maingay. 

May nagpaalala rin sa kanya na pamilya ‘yun ng BF niya, hindi niya pamilya, kaya hindi siya dapat nakikialam.


May nag-comment pa na baka naman ‘pag binati ng happy birthday si Caloy ng pamilya niya, isipin nitong kaya lang siya binati ay para mabalatuhan sa milyones na kanyang napanalunan.

Dumaan ang Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day at birthday ni Caloy, hindi pa rin sila maayos ng kanyang pamilya.


 

Palit kay Willie sa show…

RANDY, MAMIMIGAY NG SHADES


AGAD nahulaan ng mga netizens na si Vehnee Saturno ang pinahulaan ng Sing Galing na bagong Jukeboss kahit walang mukha na ipinakita.

Ang clue kay Vehnee ay “Very Special OPM icon ang ating ipapakilala bilang pinakabagong Jukeboss.”


Kabilang pa sa mga bagong Jukeboss sina Ella Mae Saison at Mitoy Yonting at si Niña na wala sa mediacon. 


Kasama rin sa original Jukebosses sina Ethel Booba at Jessa Zaragoza. Nakasulat sa press release na babalik ding Jukebosses sina Ariel Rivera, Allan K, at Rey

Valera.


Nagbabalik bilang Singmasters sina Randy Santiago, K Brosas at Donita Nose at makakasama rin sa show ang Singtokers na sina Queenay, Gag Pascual, Nico, Ari G at Yanyan de Jesus. Online hosts sina Marimar at Zendee.


Excited si Vehnee to be part of Sing Galing dahil marami siyang madi-discover at hanap niya ang may distinct sound. Si Ella naman, dito raw muna siya sa bansa at magpo-focus sa show bago bumalik sa Amerika. Ang hanap niya ay ‘yung may feelings kumanta at maganda ang diction.


Malaki ang tiwala at paniniwala ng TV5 at MediaQuest na papatok sa mga viewers ang Sing Galing, kaya from one hour and 15 minutes, one hour and 30 minutes na ang airing time nito simula sa March 1, 2025.   


Speaking of Randy, hindi na lang siya creative director ng Wil to Win (WTW) dahil siya na rin ang pumalit kay Willie Revillame bilang host ng show nito habang campaign period.


Aniya, “I’m very thankful sa tiwala ni Kuya Wil. Sabi ko sa kanya, ikutin mo ang Pilipinas, ako na ang bahala sa Will to Win. Tuluy-tuloy ang pamimigay natin ng prizes, jackets at pati na rin shades (na identified sa kanya).”


 

NAGREREKLAMO ang mga netizens dahil hindi na sila makapag-comment sa Instagram ni Philmar Alipayo dahil limited na ang puwedeng mag-comment sa post niya.


Gusto pa namang mag-comment ng mga netizens dahil may bago na namang tattoos ang partner ni Andi Eigenmann.


Kaya lang, hindi na magseselos si Andi at hindi magre-react ang netizens na kampi kay Andi, dahil ang dalawang fur babies nila ni Andi ang ipina-tattoo niya sa kanyang right arm. Nadagdagan na naman ang tattoos ni Philmar at dahil marami pang parte ng katawan niya ang walang tattoo, madaragdagan pa ito.


Sa post naman ni Andi, sama-sama silang magpapamilya na nagsu-swimming, patunay na okey na sila. May nagbiro na aabangan uli nila ang LQ (lover’s quarrel) ng dalawa, magre-react uli sila at makikisawsaw.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page